Chapter 62

489 24 3
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: sorry kung magulo ang timeline. Medyo ako rin naguguluhan pero sana ay maintindihan nyo pa rin. We are really close to the finale. Actually this will be the last chapter at ang susunod na ipopost ko na for sure matatagalan ay ang epilogue na. Hold on tight guys! Maraming maraming maraming salamat sa pagsubaybay.

Continuation..


RK's POV

"Ano bang sinasabi mo Zeth! Calm down."

Palakad-lakad ako sa harapan sasakyan ko. Nakaalis na si Azie at tapos na kami sa lahat ng detalye ng kasal. We decided to finish the whole preparation since malapit naman na talagang matapos, nasend na ang mga invites noong nakaraan, ilang finishing touch at ang mga isosoot nalang namin ni Prestine ang kailangan kong icheck. Alas-diyes na ng gabi at ng palabas ako ng bahay ay tumawag naman sa akin si Zeth. Panay mura nya sa hindi ko mawaring dahilan kaya ng mapatigil sya ay napakunot noo akong nagulat sa sinabi nya.

"Ano? Of course I'm not doing monkey business with Azie. For pete sake she's my wedding planner! Saan mo ba nadampot ang mga yan!"

"Tangina Rick, ano bang totoo? Masisiraan na ko ng bait kay Prestine! She's drunk here with me, tinawagan nya ko para pumunta dito sa holy bar at ng makita ko sya ay mugtong-mugto ang mga mata nya."

"What the.. Anong nangyari?!"

"You tell me what happened?! Anong ginawa mo!" Napahilot ako sa sentido dahil sa frustrations. Ano bang nangyayari?!

"Nasa holy bar kayo? I'm going there." Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar kaagad ito.

"Ayaw ka nyang makita. Ano ba kasing sinasabi nya na niloloko mo lang daw sya? Panay pa ang sabi nya na hindi mo raw sya mahal?"

"Of course I love her. You know it Zeth. Lahat ng tao alam yan."

"Pero sya hindi? Come on Rick kung gusto mong pakasalan ka ng kaibigan ko then better know how to respect her! How to be loyal to her. Malayo pa ang bachelors party pero pumapart-time ka na."

"Ano ba kasi? Hindi ko nga alam. I'll call her."

"Sira ang phone nya. Pinukol nya sa dance floor." I hissed. Tangina wala akong ginagawang masama.

"Sige na. Just don't let her be out of your sight. Patigilin mo sa pag inom. Wag mo palalapitin si Lucas."

"But he's talking to her now."

"Then tell him to back off and find some girl to flirt with. Tangina Zeth."

In-off ko ang tawag. Tinuon ko ang atensyon ko sa kalsada kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ko ibinibigay ang buo doon dahil iniisip ko kung anong nagawa kong mali para masabi ni Prestine yon at maglasing.

For pete sake malapit na ang kasal ngayon pa talaga nagkaproblema!

Kinacancel ko ang tawag na nagmumula kay Thine pero ng maka lima ito ay inis akong sinagot to.

"What?!" Bulyaw ko pagkasagot.

"Kuya si Ate Prestine."

"I know. She's drunk now and telling bullshits! May sasabihin ka ba?" Naiinis na ko. Masyadong nakakainis ang mga nangyayari.

"Tinatawagan kasi kita kanina eh, hindi kita macontact, out of reach.. kasi kanina umalis sya. Bandang tanghali, sinabi nya pupunta sya sa kompanya dahil dadalhan ka raw nya ng pagkain. Hindi pa sya umuuwi." Marahas kong inapakan ang preno dahil sa narinig. Damn it! Kaninang tanghali?! Nandoon si Azie kanina.

"Bakit kasi pinaalis mo! Tangina!"

Tinapos ko ang tawag at tinawagan ang secretary ko.

"Anya! Pumunta ba kanina sa opisina si Prestine?" Bungad ko.

"O-opo Sir. H-hindi ko po nasabi kanina sainyo dahil hindi nyo ko pinalapit."

Tangina! Now it's my fault now?!

"S-sinabi ko sakanya Sir na ayaw nyong magpaistorbo sa kahit sino pero n-nagpumilit po sya eh.."

Narinig nya kami. Damn. Narinig nya ang pag-uusap namin.

"Hindi ko po sya nakitang sumakay ng elevator kanina Sir pagkaalis nyo." Dagdag pa nito.

Pinatay ko ang tawag at napasigaw nalang sa inis. Tangina naman talaga! Nandoon sya. Narinig nya ang pag uusap namin. I didn't say any specific term of what Azie and I were talking about. Kaya siguro sya nagconclude na may namamagitan sa amin ni Azie. Kaya siguro nya nasabi kay Zeth na may monkey business kaming ginagawa kahit wala.

Inistart ko ang makina at mabilis itong pinaharurot. Tangina bakit kasi ang layo ng holy bar mula rito!

Tumawag ulit si Zeth at sinabing sa bahay nya ko dumeretso dahil doon nya dadalhin si Prestine. Zeth said that she's wasted at hindi nya raw ito mailayo sa alak. Nagpatulong daw sya kay Lucas na isakay ito sa kotse at ngayon ay nagdadrive na sya pauwe.

Agad akong nag U-turn at narinig pa ang ilang murang pinakakawalan ni Prestine gamit ang lasing nyang boses. I hate it when she's drinking. I hate it when she assume that somethings going on kahit wala. I hate it when she's telling me that she hates me even when I know she loves me to the bones like I am to her.

"Hindi pa rin nagbabago. Manloloko." Rinig ko pa. Pinatay ko ang tawag at ng ibinigay sa akin ni Zeth ang direksyon ng bahay nya ay hinanap ko ito sa map.

Tangina mas malayo!

.

.

.

.

Nakarating ako sa bahay ni Zeth. Mabilis akong nagdoorbell dito at pinagbuksan naman ako ng katulong nya. Ng makapasok sa loob ay itinuro sa akin ni Zeth ang kwarto sa second floor katapad ng hagdanan. Naghahalukipkip ito at matalim ang titig sa akin.

"She misinterpret it." Depensa ko.

"Kausapin mo man sya ngayon ay hindi nya pa rin maiintindihan ang sasabihin mo."

Umupo ako sa couch na kaharap nya at inilagay ang mukha ko sa mga palad ko.

"Sana ay sinabi mo nalang sakanya na para sa kasal ninyo ang pagkikita nyo ni Azie."

"I can't. It's a suprise."

"Well news flash Rick. Ikaw ang nasupresa dahil sa pagtatago mo nyang supresa mo."

"Papatawarin naman nya ko,hindi ba? Magpapakasal pa rin sya sakin?"

"Hindi ko alam Rick." Pag iling nya. Tumayo ulit ako at tinignan ang second floor ng bahay.

"Puntahan mo na sya." Tumango ako at humakbang palapit sa hagdanan.

"Iuuwi ko na sya."

--

To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now