Chapter 27

561 20 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

7pm palang ay nakatulog na si Rick. Napagod siguro sa pagluluto at nabusog ng sobra sa pagkain kaya nakatulog kaagad. Hinalikan ko ang labi nya at lumabas na ng kwarto para mag ayos ng mga pinagkainan namin. Naghugas ako ng mga plato at nililigpit na ngayon ang mga kalat sa lamesa sa living room ng may biglang magdoorbell. Mabilis akong lumapit dito at binuksan ito ng hindi sinisilip ang peephole. Nang mabuksan ko ay bumungad sa akin ang kanina'y pinag uusapan lang namin ni Rick.

Nakapamulsa ito at nakataas naman ang isang kamay na may hawak na susi.

"Lucas." Medyo mahinang tawag ko sa pangalan nya. Ngumiti sya ng bahagya at inihulog sa nakalahad kong kamay ang susi.

"Maayos na?" Tanong ko na tinanguan nya.

"N-napuntahan mo na yung ex mo?" Tumango ulit sya at tinitigan ako.

"G8 yung unit nya. Wala naman don pinapunta pa ko." Tumango ako at hinintay syang magsalita ulit. Baka may kailangan pa kasi syang sabihin ayoko naman maging bastos at pagsarhan nalang sya ng pinto.

"Birthday ko bukas. Pwede kang imbitahin sa party ko sa holy bar?" Natulala ako sandali at ng mag sink in sa akin ang mga sinabi nya ay napatango ako ng mabilis.

"S-sure." Segunda ko sa pagtango ko. Gusto ko nalang ipukpok ang kamay ko sa ulo ko. Bakit ba nagpadalos dalos ako. Tsk.

"Great. See you there Prestine." He smiled genuinely and lean closer to me. Mabilis nyang inilapat ang labi nya sa akin at naglakad palayo. Nakataas pa ang kamay nya na para bang nagpapaalam na.

He. Kissed. Me. Again.

Pumasok ako sa loob ng unit ko at dumeretso sa kwarto. Nandoon pa rin si Rick, mahimbing na natutulog.

Paano nalang kung nakita nya yon? Damn Lucas. Gumaganti ka ba dahil hinalikan kita sa bar nong nakaraan? Nakakadalawa kana!

Nabalik ako sa realidad ng tawagin ni Rick ang pangalan ko. Nakatitig ito sa akin habang pinupunasan ang gilid ng mga mata nya habang kinikilatis ang itsura ko.

"Come here."

Sumunod ako sa gusto nya at lumapit ng mabilis sakanya sa kama. Hinubad ko ang soot kong tshirt at humiga sa tabi nya.

"Something wrong?" Umiling ako. Kahit pa merong maling nangyari ay hindi ko sasabihin yon sakanya. Hindi ako kasing insensitive nya para saktan sya sa mga katotohanan. I can use white lies to cover it up. Kaya hangga't kaya ko ay itatago ko sakanya ang mga nangyayari. Siguro naman ay tatantanan rin ako kaagad ni Lucas.

~~

"Hmm." I moan, kinakagat kagat nya ang leeg ko at pinagagapang nya pa sa dibdib ko.

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon