Chapter 56

297 13 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..

Rick's POV

Mas napaaga ang uwi namin kaysa sa inaasahan dahil sa biglaang tawag ng assistant ko. Nagpatawag daw ng biglaang meeting ang CEO ng SFC bukas na bukas kaya kailangan na namin umuwi. Ang lakas makabitin ng nasabing meeting na iyon pero dahil importante ay wala na kong nagawa pa.

Prestine understand. Well, thank God dahil naintindihan nya.

"What?" Sigaw ko ng tumawag ulit si Vincent.

"Anong nabili na? Hindi pwede!" I walk back and forth. Nakikita ko ang titig ni Prestine sa akin dahil sa ginagawa ko pero sinubukan kong huwag ipahalata kung ano ang dahilan ng reaksyon kong iyon.

"Sir nabili na po. Last na daw po yon. Dalawang set lang daw po ang nagawa. Nabili na po yung una last week at ngayon naman yung isa." Ulit nya. Napahilamos ako sa mukha ko at napapikit ng marinig na tinatawag na ang flight number namin. Not now. Shit.

"Ganito Vincent. Itanong mo sakanila kung sino ang bumili dahil bibilhin ko ng doble ang presyo."

"Sir naitanong ko na rin po yan pero ayaw talaga nilang sabihin." Napabuga ako ng hangin at napailing. Kinuha ko ang maleta na nasa katabing plastic chair na inuupuan ni Prestine at tinanguan sya para makapaglakad papunta sa departure area.

"Then tell them to make another set for me. Damn it. Hindi pwedeng hindi mabili yon. Importante yon."

Hell hindi lang yon importante dahil sobrang importante non.

"Yes. Tell them to do me another set of it. Babayarin ko kahit magkano. Yes. Let them know that I need it in two months."

"Sir hindi naman pwede yon."

"Bullshit Vincent sabihin mo nalang. Same style as that. Busisiin nila. Bilisan nila ang pag gawa." Pinatay ko ang tawag. Nilingon ko si Prestine at inilahad ang kamay ko sakanya para mahawakan nya.

"Ano yung pinag uusapan nyo?" Tanong nya habang nakatitig sa akin. Nagkibit balikat ako at hindi nalang sumagot. I need to shut up if I will do this as a suprise.


~~

Ng makalapag ang eroplano ay mabilis kaming umuwi ni Prestine. Ilang oras ang byahe sa eroplano pati na rin sa sasakyan. Hapon na kami nakauwi sa bahay ni Dad. Kahit pagod sa byahe ay nagmamadali pa rin syang pumasok sa working station nya. Excited na daw syang umpisahan ang gown na gagawin. Nangingiti lang ako sa excitement na ipinapakita nya.

Sana ay mas mapabilis ang pagtapos nya nong gown. Same goes with that jewerly set. Sana ay umayon ang lahat sa gusto ko. Sana..

"Azie where are you?" Tanong ko sa telepono ng makalabas ng working station ni Prestine. I need to see her now. I need to tell her the plans and we need to settle everything regarding the whole wedding. Madami pa kaming dapat ayusin.

"Sa bahay ko. Yes. I'll text you the address. Magkita tayo in an hour."


~~

After forty five minutes ay nakarating na ako sa bahay. Siguro ay magpapahinga nalang ako pagnatapos ito ng mas maaga. Imposible yon pero ihahands on ko para mas maging maayos.

I need to prepared everything before my desire date and time. Dahil right after the ramp sa fashion show kung saan ako magpopropose sakanya ay dederetso na kami kaagad sa simbahan para magpakasal.

Wala pa si Azie ng makarating ako sa bahay. Dumeretso ako sa kwarto ko para maligo at magpalit na rin ng damit. Kahit pagod sa byahe ay nagawa ko pang magluto ng hapunan at magtext kay Azie at Prestine.

Sinabi ni Azie na malapit na daw sya at pasensya dahil nahuli sya sa usapan dahil kay Karter.

Tanong naman ng tanong si Prestine kung nasaan daw ako at kung sa bahay ba ako kakain.

Of course I need to lie. Sinabi kong nasa bahay ako ni Pipo dahil isa ako sa mga best men nya sa kasal at kailangang nandoon ako para sa fitting at kung ano ano pa. That was a half meant lie. Totoong ikakasal na si Pipo kay Daisy at totoong imbitado ako. Pero sa susunod na taon pa yon at hindi pa nag uumpisa ang preparasyon non.

Napabuntong hininga ako ng isend ang mensahe sakanya. Napatayo ako sa kinauupuan ng marinig ang pagkatok sa pintuan. Naglakad ako papunta doon at binuksan ito.

"Bakit basang basa ka?"

"Umuulan kaya. D'you have spare clothes there? Ayokong magkasakit. Kailangan kong magpalit." Tumango ako at tinuro sakanya ang kwarto ko sa second floor. Sinabi kong doon sya magshower at maghanap nalang sya sa drawer ko ng mga maliliit na tshirt na pupwedeng kumasya sakanya.

Umulan pala.

Nag ring ang phone ko. Nagdalawang isip kung sasagutin ba ang tawag ni Prestine o hindi. Ng mapagdesisyunan kong sagutin ito ay nag aalala nyang boses ang nahimigan ko. "Nasaan ka?" Tanong nya.

Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana ay mamaya pa bumaba si Azie.

"I.. I'm at a dinner meeting. Kakarating ko lang rin. Mabuti nga at pinaalis ako ni Pipo kanina."

"Ahhh." Tanging sagot nya. Umupo ako sa couch at inilipat sa kabilang tenga ko ang cellphone.

"Kumain kana ba? Kamusta na yung ginagawa mong gown?"

"Hindi pa ko kumakain. Hinihintay kita eh. Tinigil ko muna yung paggawa ng gown." Napabuntong hininga ako at tumayo mula sa kinauupuang couch.

"Hindi ko alam kung maaga ako makakauwi babe. Don't wait for me. Kumain kana."

"Rick can we start now?" Mabilis kong pinatay ang tawag dahil sa biglaang pagsigaw ni Azie. Para akong kinapos ng hininga sa kabang naramdaman. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Fuck!

"Anong nangyari?" Tanong nya ng makita ang takot sa mukha ko.

Shit. Dapat pala ay sinabihan ko sya na dapat wag maingay. Now I'm doom. Kahit wala akong ginagawa ay iisipin ni Prestine na may kasama akong ibang babae at may ginagawa kaming masama.

"Don't tell me kausap mo si Prestine sa phone at ng tinanong kita ay pinatay mo kaagad ang phone." Napalunok ako at tumango sa sinabi nya. Napahinga sya ng malalim at umupo sa couch. Binuksan nya ang bag kung nasaan ang mga kailangan kong pagpilian.

"We'll do this quick then. After this umuwi kana. Gosh. Kahit wala tayong ginagawang masama natatakot ako para sayo."

"Pag usapan natin to habang kumakain. Nagluto ako."

.

.

.

Napatuyo na ni Azie ang mga damit nyang nabasa at kahit hindi daw ito gaanong tuyo ay okay lang. Isang oras lang kaming nag usap dahil sa kabang nararamdaman ko.

Sabay kaming lumabas ng bahay ko. Hinintay ko syang makasakay sa kotse nya at makaalis bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ko at magmaneho pauwi.

I need to explain things to Prestine. Kung bakit ko ibinababa kaagad ang tawag. Kung nasaan ako.

But how can I think about what will I'm going to say and do when I just have less than an hour? Huminga ako ng malalim at inihinto ang kotse sa gilid ng daan.

Nagring ang phone ko at nakita ang pangalan ni Prestine.

Quarter to ten na ng gabi. Gising pa rin sya and for sure gising pa sya dahil hinihintay nya ang pag uwi ko at ang paliwanag ko. Damn.

Huminga ako ng malalim at pinindot ang answer button. "I'm on my way home."


--

To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now