Chapter 35

737 20 3
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..


"So ano yung sasabihin mo?" Tanong sa akin ni Rick. Nasa kwarto na ako at pinapanood nalang syang magsoot ng pajama para ipangtulog.


Nagtatalo pa rin ang utak ko. I have two options. One is to tell him the truth and prepare myself for an angry and cold Rick. Or. To pospone it like what Zeth had said. Na mag ipon muna ko ng lakas ng loob at ihanda ko muna ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong gusto ko sa dalawa.


"Baby?"


Nawala ako sa sarili ko ng maamoy ko sya sa harapan ko. Nakatukod ang dalawang palad nya sa gilid ko habang nakayuko sya at tinitignan ang mga mata ko. Para akong hinihigop sa klase ng tingin na ibinibigay nya. Ibinaba nya pa ang mukha nya para makapantay sa akin. Idinampi nya ang labi ko sakanya at ngumiti ng may kapilyuhan. "D'you think we can talk about it tomorrow? You know, can we make love again first?" Nguso nya. Napatango nalang ako at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. Kinagat ko ang ibabang labi nya na nagpabuka ng bibig nya. Sinalubong nya ng mas marahas na halik ang ibinigay ko. "I love you and I can't get enough of you." Napangiti ako sa sinabi nya sa pagitan ng halikan namin.


"Me too baby. Me too."


~~

Kinaumagahan ay nagising akong wala sa tabi ko si Rick. Mabilis akong ginapang ng kaba lalo na ng hindi ko sya makita sa buong unit.


Mabilis ko syang tinawagan pero hindi nagriring ang phone nya. Kagat kagat ko ang daliri ko habang palakad lakad sa buong living room.


What if umuwi si Theo at magkrus ang landas nila ni Rick?


What if umuwi sya dito at sakalin nalang ako bigla dahil alam nya na ang totoo?


God don't let that happen please.


Pumasok ako sa bathroom at mabilis na naligo. Pumasok ako sa kwarto at nagbihis.


Aabangan ko nalang sya sa baba. Or kung hindi sya bumalik within an hour or two ay hahanapin ko na sya sa mga lugar na pupwede nyang puntahan.


"Hey, why you're here?" Napatayo ako ng mabilis ng marinig ang boses ni Rick na nagmumula sa likod ko. Tinitigan ko ang mukha nya. Tinatantya kung may alam na ba sya.


"What's wrong?" Kunot noong tanong nya. Huminga ako ng malalim bago umiling at ngumiti.


"Akala ko kasi iniwan mo na ko." Hinila nya ko palapit sakanya at hinalikan ang buhok ko.


"Hindi kita iiwan. Always remember that. Akyat na tayo? Magluluto ako." Inangat nya ang kamay nya at nakitang may hawak pala syang tatlong malalaking plastic sa magkabila. Umakyat kami sa unit ko at pinakain nya naman ako ng binili nyang take out food sa isang restaurant habang nagluluto sya. Tahimik lang syang nagluluto habang tanong naman ako ng tanong. Siguro kung hindi ko alam na ganito talaga sya ay baka kinabahan na ko sa mga inaasta nya. Bihira kasi syang magsalita at tango at iling lang rin ang madalas sagot nya sa mga tanong ko.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now