Chapter 6

509 15 1
  • Dedicated to Thine Alagao
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: Sorry na po sa tagal kong walang UD. Hahaha. Sana worth it ang paghahantay. I love you Rick Kaizer! Kiligin kayooooo!

Continuation..

Nagising ako kinabukasan na wala na si Rick sa tabi ko. Paulit ulit ko pang tinignan ang bawat sulok ng unit ko pero wala talagang kahit anong bakas nya.

Kaya kahit lumubog na ang araw lahat lahat. Sya pa rin ang iniisip ko. Sya pa rin ang gumugulo sa isip ko at ang mga maiinit na halik nya pa rin ang paulit ulit kong nararamdaman sa labi ko.

May ilang araw pa ang nakalipas pero pareho pa rin ang nararamdaman ko. Hindi ko to dapat nararamdaman pero nararamdaman ko. Hindi ako dapat naapektuhan ng ganito pero apektado ako.

"So ikekwento mo ang nangyari o pipilitin pa kita?" Tanong ni Zeth sa akin habang nanonood kami ng movie sa sinehan.

Naglagay ako ng isang dakot ng popcorn sa bibig. Maganda ang palabas. Horror. Sikat dahil nakakatakot daw. Pero wala talaga ako sa wisyo kaya kahit puro tilian na ang naririnig ko sa paligid ay wala pa rin reaksyon ang mukha ko. Ganoon rin naman si Zeth. Hindi ko tuloy alam kung nakakatakot ba talaga ang pinanonood namin or OA lang sila kaya sila tumitili.

"May nangyari sainyo?" Tumingin ako sa gawi nya at umiling iling.

"Eh bakit ayaw mong ikwento?" Natapos nalang ang palabas at nasa labas na kami ng sinehan ay kinukulit pa rin nya ko na magsalita. Ewan ko. Bakit nga ba ayaw kong magkwento. Sure we had an intimate time. Pero dati naman ay vocal ako tungkol sa mga ganon pagdating sa kaibigan kong to.

"Kung ayaw mong magkwento ng nakakahypnotized na pangyayari better yet kumain nalang tayo. Nagutom ako sa hindi nakakatakot na movie na yon." Hinila nya ko papunta sa isang hindi mataong resto at nag umpisa syang mag order.

Sinabi nyang maiwan nalang ako sa table dahil wala naman akong maitutulong sakanya.

Ano bang ginawa mo sakin Rick. Bakit nagkakaganito ako? Hinypnotized mo ba talaga ako?

"Oh ano daw sabi ni Justin?" Rinig ko sa kabilang banda ng inuupuan namin. Apat silang magkakasama, dalawang babae at dalawang lalaki. Ayoko sanang makinig pero malakas ang mga boses nila. Para rin akong hinihila ng usapan nila or maybe nature ko lang talaga ang maging chismosa.

"Kay RK ko nalaman. Puro pasa nga yung gago eh. Hindi ko nga alam kung pano sila nagkita ni Justin. Seriously small world." Iling iling ng lalaking nagkekwento. RK?

Could it be Rick?

"Wag nyong mabanggit kay Tarra to. Nagmomoved on yung tao. For sure mahihirapan nanaman yon pag nalaman nya kung ano ang nangyari don sa magkapatid." Iiling iling naman ng katapat na babae.

Tarra?

Yung kausap ni RK months ago? Yung dahilan kung bakit kami nagkaroon ng pustahan ni Zeth?

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now