Chapter 64

370 16 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Prestine's POV

Mas napaiyak ako sa huling sinabi ni Rick. I want to shout at him back. I want to argue with him hanggang sa lambingin nya na ko at matapos na lahat ng ito.

Bakit kailangan nya kong tiisin? Para saan?

"Masyado lang ba kong tamang hinala?" Hagulgol ko. Inagaw ni Zeth ang shot glass na hawak ko at ibinigay ito kay Lucas na kanina pa rin umiinom sa hindi ko alam na dahilan. Nasa holy bar kaming magkakaibigan para sa huling break bago ang fashion show na magaganap but I don't know.. parang ayoko ng pumunta doon. Wala akong gana sa kahit ano. Hindi pa bumabalik si Rick sa akin at pakiramdam ko hindi na sya babalik.

"Kung sinabi nyang pagkatiwalaan mo sya then trust him. Minsan kasi kailangan rin natin magtiwala kahit sa tingin natin tinatraydor na tayo."

"Eh para saan kasi? Bakit nya ko tinitiis? Hindi ko maintindihan Zeth! Ayokong mawala sya! Ayokong iwan nya ko!"

"Trust Prestine! Tiwala!"

"I know but I can't trust him fully now lalo na't hindi ko alam kung saan ba ang lugar ko." Pinunasan ko ang luha ko at nagtangkang umorder ng panibagong shot. Pinandilatan ni Zeth ang bartender kaya wala itong nagawa.

I want to calm my nerves pero pinipigilan naman ako ni Zeth. Nakakainis. Ng may tumawag kay Zeth ay bigla bahagya itong lumayo sa amin. Sinenyasan ko ang bartender na bigyan ako ng panibagong shot pero kahit wala na ang kaibigan ko para pagbawalan sya ay si Lucas naman ang nagbawal sakanya.

"No.. No.. No drinks for you. Matatagalan ang epekto ng alcohol sa sistema mo kaya tumigil kana. You have an event to go to." Salita nya sa pakantang tono.

"Kailangan ba kayong pagkatiwalaang mga lalaki kahit hindi na kayo katiwa-tiwala kung minsan?"

Tinignan nya ako at biglang ngumisi.

"That depends. But in your case, you need to trust him. Di ba nga ay nakwento mo noon na pinatawad ka nya sa kabila ng nagawa mo? Why don't you forgive him this time?" Hindi ko alam kung saan nya napupulot ang mga sinasabi nya sa ganitong kalasingan nya.

"You see that girl? May sikreto syang hindi sinabi sa akin bago ang lahat. Nainis ako, nagalit, lumayo ako sandali para mag-isip tinignan ko kung kaya ko bang tiisin sya at layuan nalang pero bumalik ako at sinabing tanggap ko sya kahit ano pa man ang mangyari.. That's true. But she don't want me anymore dahil sa lintik na trust issues na yan. She's thinking na iiwan ko rin sya eventually. Bullshit right?" Ngisi nya. Nakatingin sya sa babaeng dj na hindi man lang sya matapunan ng tingin.

"Bakit nga ba kailangan mong lumayo para mag-isip? Bakit kailangan magtiis?"

"Because I'm weighing my feelings towards her. Na kahit ba may anak na sya tatanggapin ko pa rin sya at mamahalin? Tiniis ko sya for what? A week?" Nawala ang lasing ko dahil sa mga kinekwento nya.

"Ayan nasabi ko tuloy sayo na may anak sya.. Shhh ka lang okay?" Senyas pa nya. Humarap sya sa bartender at humingi ulit ng panibagong shot.

"Sometimes people need space lalo na kung masyado ng mabigat ang isang bagay, too much pressure, things to handle, etc. Pero hindi porket lumayo, lalayo na ng tuluyan at hindi na babalik." Tumingin sya sa akin gamit ang mapupungay nyang mga mata. Tumingin sya sa baso at kahit dalawa na ang paningin ko ay nakita ko pa ring pumatak ang luha nya.

"You're crying." Pabulong ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Before you do something, think twice kung masasaktan mo ba sya sa gagawin mo."

Hard To Get Karmaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن