Chapter 58.2

476 25 4
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..

Ng lumalim lalo ang gabi ay mas nahirapan akong magdecide kung sino ang tatanungin para makasabay sa pag uwi. Zeth is busy with Mon, si Gaf-- este si Grae naman ay kausap na si Terry. Kanina ko pa sya sinasabihan na huwag masyadong maging malapit sa lalaki pero dahil parehas na silang lasing ay hindi na sila mapigilan pa sa pagmemake out session sa couch. She's so perfect and Terry is all over her now. Natatakot lang ako na kapag nalaman ni Terry ang totoong pagkatao nya ay bigla syang mandiri at masaktan lang si Grae, but it's impossible to happened, dahil katulad ng nasabi ni Grae sa akin ay wala ng bakas ng pagkalalaki sakanya even her voice is perfect now, mas maganda pa ata ang boses nya kaysa sa akin kung tutuusin. Wala ng chance para malaman ng kung sino ang pagkatao nya maliban nalang kung masabi nya yon ng hindi sinasadya.

"Gusto mo ng umuwi?" Biglaang tanong ni Lucas sa akin. Hindi kagaya kanina na tipsy at makulit sya ay mas matino na syang tignan ngayon. Medyo iritable nga lang ang mukha nya dahil na rin siguro sa pag alis ng babaeng DJ at pagpalit ng bago.

"So?" Tanong nya ulit.

"Gusto ko na rin umuwi, mukhang wala namang susunod at maghahatid sayo kaya ihahatid muna kita?"

In the end ay tumango nalang ako at pumayag sa gusto nya. Totoong walang balak maghatid sa akin dahil unti unti ng nag aalisan ang mga kaibigan ko kasama ang mga kung sino sino ng hindi nagpapaalam, mukhang wala rin balak sumundo sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Rick, natatakot rin akong mag taxi dahil mag isa lang ako at anong oras na.

.

.

.

Nakasakay ako sa passenger seat ng kotse ni Lucas habang sya naman ay tahimik lang na palipat lipat ang tingin sa kalsada at sa navigator para sa daan papunta sa bahay nila Rick.

Nandoon na kaya sya? I hope he is. Sana ay nandoon na sya at natutulog na dahil kung hindi ko sya maabutan roon ay hindi ko na talaga alam ang gagawin at kung saan sya hahanapin.

"So you're living with him now?" Biglaang pagbasag ni Lucas sa katahimikan, tumango ako sakanya at tumingin sa labas ng bintana.

"I just hope he's treating you right. Hindi ko alam kung kaya ko bang magmala superman next time na may mangyaring hindi maganda sayo, of course sana ay wala ng masamang mangyari."

"I'm fine. Wala namang masamang nangyayari so far kaya siguro nilayuan na rin ako ng malas. H-he's treating me right naman. Busy lang siguro sya sa trabaho kaya hindi ako nasundo. These past few days kasi mas magulo na yung kompanya nila, hindi sya sanay sa opisina that's why he's having a hard time. Naiintindihan ko naman."

"Busy rin daw ang Luxary narinig ko kay Zeth?"

"Yeah, may fashion event kasi na nag invite sa amin para ipakita ang mga designs ng wedding gowns kaya ayon, magulo, busy." Tumango sya at lumiko papunta sa village.

"So you're serious with Harrieth?"

"Harry. Yes. Dead serious. Kaso hard to get." Tumawa sya pero biglang nagseryoso ang mukha nya kaya nawala rin ang ngiti ko. I'm happy for him. At least he's happy now and he look so determined.

"Pursue her if you really like her." Tumingin sya sa akin at ngumiti.

"She's someone I can't have, unfortunately."

Huminto ang sasakyan at ng tumingin ako sa labas ay nakita ko na ang bahay. Tinangka ni Lucas na maunang lumabas para siguro ay pagbuksan ako ng pinto pero sinabi kong kaya ko na at pupwede na syang umalis.

Hard To Get KarmaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant