Chapter 13

455 14 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Inilagay nya ang kamay ko sa braso nya at inalalayan papasok sa magarang limo. This is not just a simple party Prestine. Sana lang ay walang mangyaring hindi mo magustuhan.

"Rick subtitute date mo ba ko?" Tahimik na tanong ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at kinalma ang sarili ko. Subtitute man o hindi dapat masaya ako, di ba?

"Well. Gimik ko lang na ilihim sayo ang lahat. Gusto ko na supresahin ka. You really is my date tonight." Napalingon ako sakanya at nakita ang ngiti nyang umaabot sa mga mata nya.

"Eh.. Eh anong klaseng event or party ba yon? Ganoon ba kagarbo na kailangan pang limo ang sasakyan?" Tumango sya at hinawakan ang kamay ko. Nilaro nya ito ng nilaro na para bang hindi na ko napapansin. Inaamin ko. Kinikilig ako but on the other hand nagtataka rin ako sa mga ikinikilos nya. Na para bang ang daming tumatakbo sa isip nya pero sa katahimikan nya nalang iyon pinapakita.

"I can't wait to get that damn party over." Kinunotan ko sya ng noo.

"Hindi pa nga tayo nakakarating ayaw mo ng pumunta?"

"My Dad want me there. Hindi ako pwedeng tumanggi. Kung hindi lang kailangan ang presensya ko doon bilang anak nya ay hindi naman ako pupunta. Gusto kitang isama para mawala naman ang pagkabagot ko kung sakali."

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa pagdadausan ng naturang party. Red carpet ang lalakaran at pagpasok palang ng naturang hotel ay puno na ng mga naka coat at tie ang makikita, may mga kasama itong mga babaeng naka gown rin katulad ko.

Nakakuha kami ng tingin mula sa mga tao. Tinignan ko si Rick para humingi ng tulong pero deretso lang ang tingin nya sa stage. Nakahawak sya sa bewang ko habang bumabati sa mga lumalapit.

"Who is this stunning young lady RK?" Tanong ng medyo matandang babae. Ngumiti sya rito at ngumiti rin sa akin.

"She's Prestine Winters Tita, my date for tonight." Pakilala nya. Nakipagshake hands ako sa mga taong ipinapakilala sa akin hanggang makarating kami sa isang round table kung saan nandoon ang naalala kong kapatid nya at iba pang kaedaran lang namin.

Inilalayan nya kong umupo sa isang upuan na maganda ang dekorasyon. Damn this place is absolutely stunning. Masyadong pinaggastusan ang mga ginamit na decorations.

"Where's Dad?" Tanong nya sa kapatid na nakatingin sa akin. Natauhan to kaagad at sinabing paparating palang daw ang Dad nila kasama ang Mom nila. Tinignan ko ang lalaking katabi nya na bumubulong sa tenga nya. He's probably her boyfriend.

"Ang pinsan mo Drew dumating na ba?" Tumango ng walang reaksyon ang katabi ng kapatid nya at itinuro ang babaeng naglalakad at bumabati sa kung sino sino. She looks like an angel by her white gown and her light make up.

Naglakad ito palapit sa table kung nasaan kami pero ng madapo ang mata nya sa katabi ko ay nawala ang ngiti nya. Napalitan ito ng inis na itsura lalo na ng makitang wala ng ibang upuan kung hindi sa kabilang banda ni Rick.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now