EPILOGUE

758 42 13
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Play the song:

CRAZIER by TAYLOR SWIFT

MORE THAN THIS by ONE DIRECTION

TODAY WAS A FAIRYTALE by TAYLOR SWIFT

Epilogue

÷×÷×÷×

Rick's POV

Time starts running. I'm nervous as hell. Kahit hindi ko gustong kabahan at mag-isip ng negatibo ay nagagawa ko. In less than an hour ay mangyayari na ang lahat. She's going to be my wife in less than an hour.

Hindi ko tuloy maalis ang ngiti ko sa labi. Mawawala na ang pader na humaharang sa akin patungo sakanya. This will be the most memorable event that will going to happened to her and to me of course.

"Kinikilig ka na nyan?" Ngiti ni Daisy. Kakapanganak nya lang sa anak nila ni Pipo at dumalo lang sa kasal namin dahil sa pamimilit ng asawa nya. Of course she's still annoyed at me. Pero masaya akong nakapagsorry na ako sa mga kaibigan ko at masasabi kong natutuwa ako dahil sinusuportahan nila ko sa kabila ng kagaguhang nagawa ko kay Tarra at Justin noon.

Napabuntong hininga ako at napahilot sa sentido ko ng maalala iyon. "Hindi pa ko nakakapagsorry kay Tarra at Justin." Tumango sya at umiling.

"In time makakahingi ka rin ng tawad sakanila. Well, there's no guarantee na mapapatawad ka nila kaagad but at least marami ka pang oras. J-just don't think about them right now, isipin mo ang bride to be mo na baka mukhang zombie na dahil akala nya'y nakalimot kana."

"Just imagine her crying nonstop dahil sa nakakaloka mong ginawa."

"That's a good idea."

Humugot ako ng malalim na hininga at tumingala.

"Mababaliw na yata ako sa excitement."

"Kaysa isipin mo ang pagkabaliw mo sa pagkaexcite. Why don't you think about the wedding vows? Maswerte ka at nakapaghanda ka." Lumapit sya sa akin at inayos ang neck tie at kwelyo ko. The show will start in less than an hour but the wedding will start right after the three brands. Kapag nakaalis na sila ay tsaka palang magsisimula ang sa Luxary.

"Actually hindi ko rin alam ang mga sasabihin ko sa vows. Sa dami ng inasikaso ko para sa kasal namin ay hindi ko na napaghandaan ang vows na iyan. Siguro sa church wedding nalang."

"Sabagay. Mas maganda namang suprise rin ang vows mo, kung ano nalang ang lumabas. Ang swerte ng mapapangasawa mo. Badboy ka dati kaya hindi ko inakalang magmamahal ka ng ganito at matatali kaagad. Nauna ka pa samin ni Paulo."

Bahagya akong napatawa. Tama sya. Sa aming limang magbabarkada noong college ay ako pa ang naunang mag asawa.

"Pakisabi sa wife to be mo na ninang sya ni Vera."

"I will."

Ng may marinig akong pagtawag sa pangalan ko ay bumalik nanaman ang kaba sa sistema ko.

"Rick Montero?" Tanong ng event organizer.

"Yes?"

"Prepare your phone. Kapag tumawag kami pupwede ka ng lumabas rito."

"Okay." Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kabila ng kabang nararamdaman.


Prestine's POV

Nasa loob kami ng kanya-kanya naming mga dressing room. Nakakahilo. Nagkakagulo rin dahil nawawala si Grae. For God sake! Bakit ngayon pa nya kailangan magkaroon ng emergency gayong 40 minutes nalang ay sya na ang lalabas at maglalakad. Sya ang finale. Ayaw pa kong paalisin dito sa dressing room dahil hindi naman daw ako kailangan pa sa labas. Seriously? Hindi ako kailangan sa ganitong sitwasyon? I'm part of Luxary! Isa ako sa responsable sa kahihiyan kaya hindi pwedeng hindi ako kailangan.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now