Chapter 28

585 18 4
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

10pm na rin ng makapunta kami sa holy bar. Kasama ko si Wendy at Zeth. Nauna na dito si Dylan kasama ang boyfriend nya at ngayon ay nahihirapan kaming hanapin sya?

Nasaan kaya si Rick?

Tsk. I hope I won't see him here. Kukulo lang panigurado ang dugo ko kapag nakita ko sya. Besides, ayokong makipag ngitian kay Anastacia ng kasama nya ang lalaking dapat kasama ko ngayon.

"Thank you for coming." Bulong sa tenga ko ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ang lalaking may kaarawan ngayon.

"Hi. Happy birthday Lucas. Here. Regalo ko sayo." Abot ko sakanya ng isang panyo. Binurdahan ko yon ng pangalan nya para man lang may maibigay ako bilang regalo. Nakakahiya naman kung makikiparty ako ng wala man lang naibibigay sakanya.

"Salamat." Tipid na ngiti nya ng mahawakan ang panyong ibinigay ko. Nilingon ko ang mga kaibigan ko at nakita ang mga ito sa dance floor at nakikipag sayaw na sa kung sino sino. Hindi na muna talaga hinintay na ipakilala ko sa nag imbita sakin bago nagsaya.

"Uhm, sinama ko nga pala yung mga friends ko. Hope you don't mind." Tumango lang sya at minuestra sa akin ang isang mataas na lamesa kung saan may tatlong mataas na silya. Umupo ako sa isa doon at tumingin ulit ako sa paligid para sana hanapin ang lalaking nagpapakulo sa dugo ko. Nasaan naman kaya yon? Teka? Bakit ko nga ba sya hinahanap. Tsk.

"Drink?" Alok ni Lucas. Nakatingin sya banda sa likod ko at nakangisi sa hindi ko mawaring lugar.

"Sure."

Mabagal nyang itinulak ang wine glass sa harapan ko.

"Alam mo bang ikaw lang ang inaasahan kong bisita sa lahat ng nandito?" Tumitig ako sakanya. Ganon rin sya. Ngumiti sya sa akin at luminga linga na sa paligid.

Matagal syang hindi nagsalita. Inililibot ko rin ang mga mata ko kagaya nya. Pero ng makita ko ang hinahanap ay napatingin nalang ulit ako kay Lucas. Damn that mother fucking flirt! Tsk.

Nasa isa sya sa mga couch at nakaupo pa sa binti nya si Anastacia. Nakatitig sya sa akin na para bang wala syang ginagawang mali sa mga mata ko. Fuck you manwhore! Hope you rot in hell.

"May problema?" Tanong ni Lucas sa akin. Nakakunot ang noo nya at para bang tinitimbang ang itsura ko.

"Pwedeng doon muna ko sa kwarto mo Lucas?" Tanong ko. Medyo naguluhan sya pero tumango lang sya at pinasunod ako sakanya.

You want games? Then I will happily play with your games Montero.

Naunang umakyat si Lucas ng hagdanan may tinignan sya banda sa dancefloor na nilingon ko rin. Kanina pa sya nakangisi na parang nang aasar. Nakarating kami ng mabilis sa kwarto nya pero hindi nya ito sinarado ng maige.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now