Chapter 48

461 33 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..


"Pwede na syang idischarge." Ang sabi samin ng doctor. Nakatulala si Prestine sa labas ng bintana at para bang hindi naririnig ang mga pinag uusapan namin.


"She needs to see a psychiatrist. Traumatic ang napagdaanan nya at hindi sya mabilis makakarecover kung walang tulong ng theraphy." Tumango si Prell at sabay na silang lumabas para doon pag usapan ang mga kailangan ni Prestine. May isang linggo rin syang nakaratay at hindi gaanong kumakain. Hindi ako nakakaalis kapag gising sya dahil parati nalang syang nagwawala at nag iiiyak.


Lumapit ako sakanya at pinulupot sa katawan nya ang mga braso ko. Inabot ko ang mga daliri nya at pinagsaklob sa akin. Ipinatong ko rin ang ulo ko sa balikat sya at humalik sa pisngi nya.


"Sorry." Bulong ko. Humarap sya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Can I stay at your place?" Tanong nya. Tumango ako kahit gulat pa rin sa mga ikinikilos at mga naririnig sakanya. Para bang normal sya pero may nagbago.


"Pakiramdam ko kahit saan ako pumunta hindi na ko safe." Nakayuko nyang sabi. Iniangat ko ang mukha nya at hinalikan ang labi nya.


"You'll be safe with me babe."


~~

Ipinasok ko sya sa bathroom ng kwarto at inumpisahang tanggalin ang mga damit nya. Maya maya ay lalabas na sya ng hospital at gusto daw muna nyang maligo. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sa loob ng isang araw ay minsan nasa limang beses sya kung maglinis ng katawan. Kailangan nandoon rin ako sa loob para bantayan sya.


"Join me." Utos nya. Inilock ko ang pintuan ng bathroom, tinanggal ang mga damit ko at sinamahan sya sa shower. I'm not taking advantage of her. Pero minsan ay kapag gusto nya ay kailangan ko nalang sumunod para hindi na sya magalit pa.


Kinuha ko ang body wash at sponge mula sa kamay nya. Pinunasan ko sya sa dibdib habang nakatitig ako sa mukha nya.


"Kahit anong ligo ko hindi ko maalis sa utak ko yung ginawa nila." Biglaan nyang sabi.


"Sayo ko lang binigay ang sarili ko ng buong buo pero binaboy nila ko."


"Hush. Don't think of it." Narinig ko ang mahina nyang paghikbi. Inabot nya ang batok ko at ikinawit dito ang mga braso nya.


"Ayoko na Rick. Ayoko ng mabuhay." Iyak nya sa dibdib ko.


"Shh. Stop it Prestine. I'm here. Hindi kita iiwan. Hindi na."


"Pero pinabayaan mo lang ako. Rick ang tagal tagal kitang hinintay lumabas ng kwarto mo. Ang tagal tagal kitang hinintay patawarin ako pero kailangan pa palang mangyari to sakin para lang balikan mo ko? Rick kailangan bang parati munang may mangyari sakin para lang mapatawad mo ko?"


She tried to push me away but I didn't let her. Hinigpitan ko lang lalo ang pagkakayakap ko sakanya para hindi nya na ko maitulak palayo.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now