Chapter 44

482 32 4
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..


"Damn it!" Sigaw nya habang sinisipa ang gulong ng kotse nya.


Matigas ang ulo ko dahil sa alam ko ng hindi na dapat ako nandito pero sumisige pa rin ako.


Hindi ko na alam kung paano ko sya mapapaamo. Hindi ko na alam kung paano ko sya kukumbinsihing kausapin ako.


Ng binuksan nya ang pintuan ng driver seat ay mabilis akong tumakbo para pumasok sa loob ng passenger seat. Alam kong maiinis sya sakin at pupwede nya kong kaladkarin palabas pero pupwede ring hindi mangyari yon dahil ayaw nya na ng gulo.


Naihampas nya ang mga kamay nya sa manibela ng makita akong nakaupo.


I need to be strong. Alam kong nasabi ko na sakanya na bahala na sya sa buhay nya pero hindi ko sya kayang tiisin kaya nandito ako at isinasantabi na ang pride ko para lang bumalik sya.


"My place. We'll talk." Stern na sabi ko. Tinitigan nya ko na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. I need to calm my nerves. I need to have this guts to be able to empower him.


Inistart nya ang makina ng sasakyan at mabilis itong pinaandar. Hindi ko alam kung susundin nya ba ko pero kung hindi nya ko sundin ay wala pa rin akong balak tumigil.


.

.

May isang oras na ang nakalipas ng makarating kami sa building ng condo ni Rick. Umalma ako sakanya ng ibahin nya ang daan pero ng hindi sya sumagot at pinag igting nya lang ang panga nya ay napatahimik nalang ako.


"Get out." He commanded after opening the door for me. Lumabas ako at sumunod sakanya sa loob ng naturang building. Hindi pa rin sya nagsasalita. Hindi pa rin ako nililigon o tinatapunan man lang ng tingin. Hindi ko gusto ang pakiramdam na nararamdaman ko pero mananahimik ako hangga't kaya ko at hindi pa ko pwedeng magsalita. Ayokong mairita sya sa akin at ayokong ipagtabuyan nanaman nya ko.


"Get in." Utos nya ulit ng buksan ang pintuan ng condo unit nya. Sumunod ako sa gusto nya at pumasok sa loob, pumasok rin sya at inilock ang pintuan. Malalim ang paghinga nya. Nanlilisik ang mga mata at parang ang dami dami nyang gustong sabihin.


Naghihintay ako.


Naghihintay akong sumabog sya pero ng maglakad sya sa akin at lagpasan ako ay napahinga ako ng maluwag. He didn't hit me. He didn't slapped me or anything.


Umupo sya sa couch na nasa likuran ko at inihilamos ang kamay nya sa mukha nya.


"We're done Prestine. Ano pa bang gusto mo?"


Huminga ako ng malalim at tinabihan sya sa kinauupuan. Umatras sya dahil sa ginawa ko pero hindi nalang ako nagpaapekto.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now