Chapter 1

707 21 0
                                    

My Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: Maiikli lang po ang mga updates dito. Pag ginanahan ako pahahabain ko. :)

~~

"Bitch!" Napangisi ako habang hawak hawak ang pisngi kong medyo namanhid sa sampal ng babaeng nasa harapan ko.

"Baby tama na." Awat sakanya ng boyfriend nya.

Ako ng pinaglaruan, ako pa tong sinampal. Wow iba na talaga ang tao sa mundo.

"Tapos kana?" Tanong ko. Huminga ako ng malalim at ngumisi ulit.

"Prestine tama na kasi." Sabi ni Yok sa tonong nagmamakaawa.

He fell for me. Pero hindi nya matanggap na nahulog nga sya sa akin kaya ganyan sya't naguguluhan.

Yung lalaking pumayag sa dare na paibigin ako ng nililigawan nya at pag napaibig ako, sila na. Yung lalaking umaawat sa girlfriend nya na ngayong si Xy na kakasampal lang sa akin.

"Slut! Whore! Bitch!" Sunod sunod na sigaw nya. Dumapo pa ulit ang isang kamay nya sa pisngi ko sa kabila ng pag awat ni Yok sakanya.

"Wow. Look who's talking?" Sarcastic na sabi ko. Nanggigigil na ko pero dahil alam ko kung anong kaya kong magawa sa babaeng ito ay magtitimpi ako kahit sobrang nakakaleche na.

"You dare him to make me fall ikaw pa may ganang manampal? Wow Xy. Wow." Palakpak ko. Inilayo sya ng boyfriend nya mula sakin.

"Come on sampal pa. Wag mong ilayo yang babaeng yan sa akin Yok. Ikaw Xy? Hindi mo matanggap na ako na mahal nya? Tanga ka bang talaga? Sana hindi mo hinamon. Sana hindi ako ang pinili mong maging pain sa putanginang plano nyo. Sana nag isip ka muna kung ano ka lang kumpara sa akin." I smirk and she gritted her teeth sa panggigigil. Tama ako eh. Magagalit talaga sya.

Umaamba itong lalapitan ako kahit kita ko kung gaano kahigpit ang hawak ni Yok sa braso nya mapigilan lang sya.

"You're nothing compared to me Prestine Winters! Malandi ka lang talaga!" Sigaw nya. Tumawa ako na parang baliw sa sinabi nya at biglang nagseryoso.

"Really? Malandi ba ko Yok? Tell her." Kibit balikat ko. Napapangiti ako sa tuwa dahil sa itsura nyang inis na inis. Tumingin sya kay Yok hinihintay ang sagot nito pero wala syang nakuha.

"Choose Yok. Ako o sya?" Hamon ko.

Confused na sya. Alam ko. That's why I want to laugh in an evil way right in front of their faces.

Isang manggagamit plus Isang nagpagamit equals dalawang tanga.

Tumingin sa akin si Yok at bumuntong hininga.

"You don't dare!" Galit na sigaw sakanya ni Xy ng lumuwag ang hawak nito sa braso nya. Hinawakan nya ito para pigilan pero tumigil sya ng nangingilid ang luha dahil sa pagyakap sakin ni Yok.

"Of course I'll choose you Prestine." Sabi nito na nakapagpangisi sa akin ng mas malapad.

Ano ka Xy?

"Who's nothing compared to you honey?" Nanunuya kong sabi.

His apologizing eyes darted at Xy's fuming mad eyes. Nanginginig ang katawan ni Xy sa galit, sa hiya at sa hindi ko pa alam na posibleng dahilan.

"Fuck you!" Sigaw nya at sumugod sa akin, tinulak sya ni Yok dahil sa pagprotekta sa akin kaya napaupo sya sa sementong kalsada.

"Game over Xy. I won." Ngumiti ulit ako sa naiiyak nyang itsura, hindi na pala sya naiiyak dahil umiiyak na sya ng tuluyan.

Poor girl. Akala kasi nya basta basta ako.

Tumayo ito sa kinauupuan nya at patakbong lumayo sa amin habang umiiyak. I feel like a freaking antagonist but I love it.

Inalis ko ang tingin sa tumatakbong si Xy at humarap ulit kay Yok na nakahawak sa bewang ko at tinititigan ako na parang buong pagkatao ko ang nakikita nya.

Ngumiti ako sakanya at hinalikan sya sa labi.

I encircled my arms om his torso and smell his manly scent.

"Mahal mo talaga ako noh?" Tanong ko na tinanguan lang nya.

Inalis ko ang kamay kong nakapulupot sa beywang nya at tinapik ng marahan ang pisngi nya.

I gave him a swift kiss bago inilayo ang labi ko sakanya.

"Game over Yok." Kumunot ang noo nya. Naguguluhan.

Tumalikod ako mula sakanya. Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at tinanong kung saan ako pupunta.

"We're done Yok. Tapos na. That's what I mean about game over." Natulala sya sa sinabi ko.

"Niloko mo pa rin ako. Pagbalibaliktarin man ang mundo ginago nyo pa rin ako ni Xy, pinagpustahan.. at hindi ko gawaing manggago ng ginago na ko. Mabait pa rin naman ako kahit papano." Naglakad ako ng may ngiti sa labi. Sa kabila ng masasakit na salita at mga sampal na natanggap ko mula kay Xy, masaya ako dahil ako pa rin ang panalo.

Dumura ako at pinunasan ang labi ko gamit ang panyong hawak ko.

I did not really wanna kiss that jerk. Ni hindi nga ako nahulog sakanya. Kailangan ko lang talagang gawin yon para matauhan sya. He picked me over that bitch kaya tanggapin nya na dalawa ang nawala sakanya.

Akala nya ba minahal ko sya? Tsk. Asa naman sya. Umpisa pa lang ng gaguhan nila, alam ko na. Nawarningan na ko. Thanks to Zeth na maraming tenga at at mata, na sikat sa buong campus at bestfriend ko.

I walk with a smile plastered on my lips habang hinihimas ang dalawang pisngi ko.

Easy to get, inosente, mabilis mahulog at maloko ng kahit na sino?

Akala lang nila yon.

They don't know me. Iilang tao lang ang nakakakilala ng tunay na ako.

Hindi ako madaling maloko.

Naging matatag at matapang ako ng ganito dahil sa unang lalaking minahal ko na pinaglaruan lang ako.

Thanks to him though.

Dahil sakanya hinding hindi ko na uulitin ang magpakatanga, magpaloko, magpakawawa at magmakaawa sa iba.

I'm into that type of shits now.

They want to play games? Then I will be very happy to play with them all.

Sa bawat larong sinasalihan ko. Sinisigurado kong ako ang parating panalo. Sinisigurado kong hindi ako ang maaagrabyado. Sinisigurado kong ang mga kalaro ko ang iiyak at magsisisi sa pagsali sa akin sa laro nilang nakakaloko.

Pang ilang beses na ba kong pinagpustahan at ginago ng kung sino sino?

At pang ilang beses na ba kong nanalo sa larong gusto nilang kasali ako.

Isang beses lang akong natalo at hinding hindi na mauulit yon.

--

To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now