Chapter 25

434 12 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

"Wow ang ganda nito Ate Prestine." Tumatalon talon na sabi ni Michelle habang marahang hinahaplos ang gown na nakasoot sa mannequin.

"Ang cute nung mga designs. Wow Ate thank you so much for this." Niyakap nya ko at masiglang umakyat na sa kwarto habang nakasunod sakanya ang mga maids nila dala dala ang gown na nakasoot sa mannequin.

"Thank you for making her that happy Prestine." Napatingin ako kay Anastacia na malawak na nakangiti habang nakatingin sa kapatid na umaakyat ng mahabang hagdanan.

"Wala yon. Napalapit na rin sa akin si Michelle, pinaganda ko talaga yung gown para memorable sakanya ang debut nya."

Ilang minuto pa ay dumating na rin si Philip. Tamad itong pumasok sa loob ng bahay at umupo sa single seater na couch sa harapan namin at naglabas ng phone.

"You want to fit the coat?" Tanong ko dahil parang hindi nya kami nakita.

"Sure." Tamad nyang sabi. Tumango ako sakanya at iniabot ang kalalabas ko lang na coat mula sa kahon nito.

"Yung coat and tie lang naman ang importante. The rest okay na kahit hindi mo na sukatin." Naisoot nya ng maayos ang coat at tie. Marami pa kong sinasabi sakanya pero napansin kong natulala sya sa kung saan saan.

"Ate Prestine ang ganda ganda!" Sigaw ni Michelle na nagpalingon sa akin. Maski ako ay namangha sa itsura ng gown na gawa ko para sakanya. Para bang para sakanya lang talaga iyon at hindi pwedeng ipagamit sa iba.

"Wow." I heard Philip voice from my back. Napa thumbs up ako kay Michelle dahil kay Philip na nakatingin na sakanya ngayon.

"Bagay na bagay. Yung mannequin ko naging totoong tao." Halakhak ko. Umikot ikot pa sya na nagpakulay pa lalo sa blue, pink and violet combined color sa palobong bahagi ng gown.

"Excited na ko for next week ate." Ngisi nya. Tumango ako dahil maski ako ay naeexcite para sakanya. Sana nga lang ay hindi pa ito nakita ni Philip ngayon para may element of surprise pa rin sa mismong debut.

"Who's that supermodel?" Napalingon ako sa narinig na boses ng babae. Nakita ko ang isang medyo nasa 50's ng babae na kahawig ni Anastacia. Nagwaved si Michelle sakanya at ng makilala nya ang kung sinong nakasoot ng gown ay bigla itong lumapit at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Oh my god Michelle. It's really you. You're so gorgeous."

"Thanks Mom."

Ilang oras pa kong nanatili sa mansyon ng mga Barrison. Maraming papuri ang natanggap ko mula sa Mommy nilang si Tita Wendy. Sinabi rin nyang bibisita sya sa Luxary para tumingin rin ng mga gowns o kaya ay magpapatahi sa akin para sa mga sobrang engrandeng event sa kanilang kompanya. Hindi ako humindi dahil isa yong magandang oppurtunity.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now