Chapter 30

583 21 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Ilang araw na rin pero hindi pa rin sya bumabalik. Ano ba kasing ginawa ko? Dapat hindi ko nalang sinabi yon eh. Sana tumahimik nalang ako.

Ang tanga tanga mo Prestine.

Naalala ko tuloy yung sinabi nya. Naalala ko nanaman yung narinig kong sinabi nya noong nag uusap kami ni Prestine sa telepono.

"Tell her that we're over. Tell her to stop throwing herself to me. Tell her I'm a fucked up man who can't be the man she needs."

Sinindihan ko ang sigarilyong kinuha ko sa kaha. Humithit ako at hinayaan ang sarili kong isipin sya.

Hindi naman ako madalas manigarilyo at uminom pero ng dumating si Rick sa akin pakiramdam ko parati ko nalang kailangan to. Parati nalang akong stressed sa buhay ko.

*Ate Prestine ayaw nya talaga eh. Hindi pa rin sya lumalabas sa kwarto nya kahit kinausap na sya ni Daddy kanina. -Thine*

Bumuntong hininga ako at nag isip ng irereply ng magring ang phone na hawak ko. Tumatawag ang number ni Rick kaya madali ko itong sinagot.

Hinintay ko syang magsalita pero wala akong nakuha.

"Come back please Rick." Bulong ko. Narinig ko ang pagsinghap nya.

"Tumawag ako para sabihing kukunin ko ang mga gamit ko sa isang linggo. Pack it para kukunin ko nalang." Malamig na sabi nya. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mga pisngi ko.

"Sorry na Rick. Please. Don't leave me. I need you."

"Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sayo Prestine."

"Rick hindi mo naman pinagsisiksikan eh. I want you with me! Alam kong gusto mo ring malapit ako sayo kaya please lang. Bumalik kana. Sorry na." Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Bye Prestine."

Naputol ang linya, nanatili akong umiiyak. Gusto kong pigilan ang sakit pero hindi ko kaya. Ayaw na nya talaga sakin. Hindi na talaga ako importante sakanya. Hindi na talaga sya babalik. Sana kaya ko ang ginagawa nya. Sana kaya ko nalang na wala sya para hindi ganito kasakit.

"I love you Rick. So much."

~~

Siguro nga nakakapagod umiyak. Naubos ang luha ko sa ilang araw lang. Hindi na ko umiiyak pero nararamdaman ko pa rin ang sakit. Pakiramdam ko butas ang puso ko. Pakiramdam ko kulang na kulang ako.

"Ate Prestine?" Tawag sakin ni Michelle. Ngayon ang debut nya at inaayusan ko sya para sa pictorial nya dito sa kwarto.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now