Chapter 21

398 14 0
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

A/N: Remember LUCAS from A GREAT TEASE? Well! Alam na? Hahaha. Naisipan ko po syang isali dito bilang kalove triangle ng mga bida ng HTGK. Enjoy reading.

Continuation..

"So ayon nga.." Kwento ko kay Gaf. Natatawa ako sa mga pinagkekwento ko. Gaf is a great friend. Hindi nga lang sya kilala nila Zeth, Wendy at Dylan. Maganda na rin na sya ang tinakbuhan ko. Ayokong masermunan nila Zeth kung malaman man nila to. Ayokong sirain ang pangalan ni Rick sakanila kahit ganon naman na ang naiisip ni Zeth sakanya.

"Shonga mo te, eh bakit affected much?" Pinasahan nya ko ng isa pang shotglass mula sa bartender. Gaf said that they have a spare room sa taas nitong Holy Bar. Pwede raw akong manatili doon kung sakaling malasing ako. Kaya nagpapakalango na ko. Hindi na muna siguro ako uuwi.

"Tanga ba ko Gaf? Kung pumayag ako. Alam mo yon. No commitment pero nasa isang condo unit kami, may nangyayari samin tapos.. tapos ganito niloloko nya ko. Masasabi mo bang niloloko nya ko kung wala naman kaming malinaw na commitment?" Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko.

"Hindi ka kamo tanga girl. Baliw ka. Dyusko. Naiintindihan ko na loka loka ka but for pete sake. Seriously ganyan? Hindi ka ba aware na lahat ng napupunta sa ganyang sitwasyon may nasasaktan. May umiiyak."

Nagpasya akong umakyat sa taas. May hawak akong isang stick ng sigarilyo na nakasindi na sa isang kamay habang susuray suray na naglalakad. "Girl behave ka ah. Huwag kang susuka kahit saan. Magagalit si Lucas sakin na ko. Masungit pa naman yon." Tumango ako sakanya. Yung Lucas daw ang isa sa kabusiness partner nya dito sa Holy Bar.

Ng makalabas si Gaf ng kwarto ay tumitig ako sa kisame. Maganda ang chandelier, mukhang 5 star hotel ang kabuuan nito. Sino bang mag aakalang nasa isang bar ako at wala sa hotel.

"Fuck. I don't care!" Napadilat ako ng makarinig ng sumisigaw. Damn. Akala ko ba soundproof itong kwarto bakit may sumisigaw.

"Who are you!" Sigaw ulit ng lalaking magulo ang buhok at may matapang na mga mata. Sumisigaw ito ng otoridad at masyadong nakakaintimidate. Umupo ako sa kama at sinuot ang wedge na sapatos. Ilang oras ba kong tulog? Anong oras na ba?

"Who. Are. You." Ulit nya. Tumayo ako at inayos ang damit kong nalukot dahil sa pagtulog.

"Kaibigan ako ni Gaffin. Pres-"

"Bakit ka nandito. God. Ano ba ang problema ng mga babae ngayon at halos lahat nakakabwisit." Hinilot nya ang sentido nya. Napangiwi ako sa narinig. Seriously? Ilahat?

"Sorry mister sungit ah, pinagstay kasi ako dito ni Gaf. Hindi naman nagulo ang kwarto at hindi naman ako sumuka. So please wag kang aburido masyado. Wag kang OA! Huwag mong ilahat ang mga babae dahil baka isali kita sa listahan ng mga ipapasalvage ko dahil sa sobrang inis ko sa mga lalaking kagaya mo. Sige na. Pasensya na. Tangina sorry ah."

Kinuha ko ang bag ko at huminga ulit ng malalim. Bubulyawan ko ang baklang yon kapag nakita ko mamaya sa baba. Ugh! Kung eto ang Lucas na sinasabi nya nako talaga! Mas gugustuhin ko pang magpasuray suray at mabaliw sa baba eh. Binuksan ko ang phone ko habang pababa ng hagdanan. Maingay ang buong bar at mukhang kakaumpisa lang ng night life nito.

Huminga ako ng malalim ng maramdaman kaagad ang pag vibrate ng phone ko na kakabukas palang. Wow. 2am? Dumating ako dito ng 5pm. Gising pa pala sya? Hinahanap nya pa rin pala talaga ako? Napangisi ako. Pinatay ko ang tawag at dumeretso sa counter. Umorder ako ng gintonic. Tinungga kaagad ito dahil bumabalik nanaman sa akin ang mga nangyari kanina. Nawala nanaman ang tama ko. I hate him but despite of that alam ko naman sa sarili ko na hindi ko sya kayang tiisin. Gosh sana nga kaya ko nalang syang palayasin sa tinutuluyan ko at sa buhay ko ng tuluyan. Pero kasi hindi eh. Bwisit.

"Stop drinking." Napakunot ang noo ko sa lalaking umagaw ng shot glass. Nairolyo ko ang mga mata ko ng makita ang lalaking masungit na isinusumpa na yata ang lahat ng mga babae.

"Why? D'you think I can't afford to buy any drink I want?" Sabi ko sa malakas na tono.

"I'm sorry for what I said earlier okay. Hindi ko sinasadya." Tumango ako at tumungga ulit. Bumili ako ng isang tens ng sigarilyo sa lumilibot na nagbebenta. Sinindihan ko ito at sinabay sa pagbuga ng usok ang inis sa sarili na nararamdaman. "Bobo mo Prestine. Tama si Gaf. Ang baliw mo lang." Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi ko. Naramdaman ko nanaman ang pagring ng phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. It's him again. That's for sure.

"Sorry. Kung nagalit ka sa sinabi ko, I'm sorry. Mainit ang ulo ko kanina. By the way I'm Lucas. Prestine right? Yung kaibigan ni Gaf?" Tumango ako. Wala na ko sa mood makipag away lalo na't ganitong nanghihina nanaman ako dahil sa mga iniisip ko.

Napansin kong umupo sya sa katapat kong high stool at tinitigan ako. "Sorry rin kanina kung namura kita. Mainit lang rin ang ulo ko. Pasensya na rin kung- kung ano yung nasabi ko." Ngumiwi ako at pinunasan ang luha ko. Tumitingin rin ako kung saan saan para idistract ang sarili ko mula sa pag-e-emo.

"Can you do me a favor?" Lakas loob kong tanong ng ibalik ang tingin sakanya. Humits pa ko ng isa at inialok ang sigarilyong hawak kay Lucas. Tinanggap nya naman ito at inilagay sa labi bago magsalita. "Huh?" Nakataas kilay nyang sabi pagkatapos ibuga ang usok.

"Answer this asshole's call. Tell him to leave me alone and also tell him that go to hell and fuck anyone he likes while I'm away." Pakanta ko itong sinabi. Kinunotan lang nya ako ng noo at tinitigan. Pero ng makita nyang persistent ako at hindi mawawala ang wala sa mood na itsura ko ay kinuha nya ang phone ko at sinagot ang tumatawag nanamang demonyo.

"He don't want to talk to you right now." Tamad nyang salita. Nakatitig sya sa akin at para bang naghahanap sa mga mata ko ng sasabihin sa kausap.

"It doesn't matter where we are right now. Kung mananakit ka rin lang naman babae panindigan mo na. No. Ayaw ka nyang kausapin." Ngumiti sya sa akin. Ngiting nakakatuwa dahil hindi bagay sakanya. He look so cute with a smile on his lips. Ibang iba sa kaninang nakasimangot nyang mukha.

"You'll kill me? Nasabi ko ba sayong kasama ko sya sa kama ngayon? Siguro ngayon isasalvage mo na rin ako?"  Inagaw ko sakanya ang phone ko at pinatay ito. Natatawa sya sa akin.

"Why you said that?"

"Kung ano man ang ginawa nya sayo kailangan nya ng wake up call. Gago lang ang mananakit ng babaeng iiyak para sakanila. Sige alis na ko. Nice meeting you." Pinatay nya ang sigarilyo sa ashtray at tumayo. Napangiti ako sa sinabi nya. I reach for his hand and grab his nape. Idinikit ko ang labi ko sa labi nya ng ilang segundo.

"Thank you Lucas." Ngiti ko. Naglakad ako palabas ng Holy bar at dumeretso sa kotse ko. I still can drive. Huwag lang sana akong mabaliw at maisip nanaman si Rick at si Anastacia.

Bumuntong hininga ako at sumakay na. Mamaya ko nalang iisipin si Rick kapag nakaharap ko na sya.

~~

Ng makauwi ako ay sarado ang mga ilaw. Siguro ay galit sya kaya lumayas na. Hindi ko alam ang iisipin. Hindi ko alam kung gusto ko ba yon o hindi. Pero siguro okay na yon. Pero hindi eh.

Pumasok ako sa kwarto at hinubad ang sapatos na soot habang naglalakad papunta sa kama. Inaantok na ko. Ayoko ng isipan ang mga kabaliwan ko.

I need to rest my mind from all these bullshit he have been caused simula ng dumating sya sa akin. Ginulo lang naman nya ang tahimik kong mundo eh. Kung wala sya hindi ko naman mararanasan to. Hindi ko gugustuhin magpasalamat o manumbat sa ginusto ko rin naman.

--
To be continued..

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now