Chapter 55

481 32 4
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: Hopefully napansin nyo na never akong nag include ng mga places sa story na to at sa Trilogy ng Jarra, even sa iba pang stories ko. Limited po kasi ang knowledge ko bilang writer. Ganon rin kakaonti ang nilalagay ko about sa business na nababanggit. Unfortunately ay hindi ako makapagresearch about sa kung saan saan kahit gustuhin ko pa. (Free data lang ako at kapag nag online naman ako at rent ay limited lang ang oras ko. Tamad rin po kasi ako. Hindi po ako matalino masyado sa kung saan saan.? Assume nyo na lahat about sa stories ko. Kung gusto nyong isipin na sa America ang set up ng story or sa UK pwede. Ganoon din sa Pilipinas dahil tagalog naman pero hindi ko po ikaklaro na sa Pilipinas nga ang set up dahil hindi talaga yon ganon. Hahaha. Ang gulo. Ayoko lang pong isipin nyo na ang engot ko dahil may mali mali akong nagagawa at nababanggit sa details sa mga stories ko kaya sinabi ko na to. I want to play safe kaya ganon. Pasensya na kung hindi makarelate. Sana maintindihan nyo dahil ganon ang nakasanayan ko.

Ps. 6 chapters left after this including the epilogue part. (Di pa final)


Continuation..

Prestine's POV

Idinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Rick na nakatagilid habang nakaharap sa akin. His lips are parted. His hands are on my waist.

Kumot lang ang nakabalot sa mga katawan namin. Hindi ko alam kung anong mga nangyari pagkatapos kong umiyak sakanya dahil sa mga naiisip but I guess we ended things in bed just to stop the argument.

Marahan akong bumangon pero ng paupo na ko ay hinila nya ang bewang ko. Natumba ako sa dibdib nya at napatitig sa mukha nya.

"Maaga pa. Matulog ka ulit." He said in his sleepy voice.

"Maaga ka pang papasok eh." Alis ko sa mga kamay nya pero hindi nya iyon pinayagan.

"I'm not planning to go to work today. Pupunta tayo ng Bangkok later tonight para bumili ng mga materials na gagamitin sa tatahiin mong gown." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya at tinitigan syang maige. Nagbibiro ba sya?

"I'm not kidding. Dalawang araw lang tayong magsstay doon. We need to get back right after we bought the materials needed."

"Busy ka eh. Pwede naman kami nalang nila Wendy ang pumunta." Unti unti syang dumilat at tinitigan ako. Magkasalubong ang kilay nya na para bang sinusukat ang itsura ko.

"Ayaw mong kasama ako?"

"No. Not like that." Pag iling ko.

"Then I'm going. Wala namang importanteng mangyayari sa opisina sa mga susunod na araw. Isesend sa akin ni Vincent ang lahat ng kailangan kong malaman at irereschedule ang mga hindi importanteng meetings. Gusto kong sumama sayo so don't make an excuse about my work dahil kayang kaya kong dalin yon kung saan ko man gustuhin." Napanganga ako sa haba ng sinabi nya.

Of course I'm not making any excuses. Gustong gusto ko sya makasama pero ayoko naman na makasagabal sa trabaho nya. "For now. Magpahinga muna tayo. Pagod pa rin ako."

Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakahiga sa tabi nya. I should want this. Dapat ay hindi ako naiinis na nakakasagabal ako sa trabaho nya. Dapat nga ay masaya akong nag eeffort sya na makasama ako at sinusoportahan nya ko.

Is it about what we talked about last night? Dahil ba sa alak na nainom ko at sa tapang kong magtanong? Nasagot nya ba ang tanong ko kung sino si Azie para sakanya at bakit madalas ang mga meetings nila?

"Sometimes you need to trust me Prestine. Masaya akong nakikita kang nagseselos kapag may ibang nakapaligid sa akin. At least kahit papaano ay naiinsecure at natatakot kang mapupunta ako sa iba, but being too insecure and jealous to the point na iiyak ka ng sobra at aawayin mo ko ay hindi na nakakatuwa. Isipin mong mahal na mahal kita at ikaw palang ang minahal ko ng sobra sa buong buhay ko. Isipin mo na hindi ko kayang gawin sayo lahat ng inaassume mong mangyari. Pagkatiwalaan mo ko hindi yung pinagdududahan mo ko." Nakapikit nyang sabi. Bumuntong hininga sya at tumalikod sa akin.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now