Chapter 15

464 16 2
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

Hindi ako pinayagang umuwi kaagad ni Rick. Magpahinga daw muna ako at samahan sya, gusto nyang hapon na ko umuwi but I can't. I just can't stay here with my heart still shattering with his words hours ago. Pakiramdam ko sinasaksak ako sa katotohanang wala kaming relasyon kahit ginawa na namin yon.

Pakiramdam ko pinapatay ako ng paulit ulit dahil sa sinabi nyang hindi ako pwedeng mahulog sakanya.

To be honest I am starting to fall for him hard. Sa mga pinaparamdam nya, sa mga ginagawa nya, sa mga tingin nya hindi ko maiwasang hindi mahulog. How can I resist Rick?

Para bang gumawa ako ng bagay na napaka imposible naman.

"What? Do I have any care about that bastard!? Hayaan mo sya." Rinig kong saad nya. Nanonood ako ng TV sa living room habang sya ay nasa kitchen at may kausap sa phone.

"I don't care. He's my Mom's bastard. Hindi ko sya kapatid. Bakit mo sakin hahanapin yon?" Tumawa pa sya na ikinanoot ng noo ko. Sino ba ang kausap nya? Lilingon sana ako sakanya ng may biglang magdoorbell. Pupunta sana ako doon para buksan ang pintuan pero sinabi ni Rick na sya na daw ang magbubukas. Nakalagay pa rin ang phone nya sa tenga nya habang kinakausap ang kung sinong nasa pintuan.

"Mom? I don't care about her. Cheater." Gusto kong magtanong ng lumapit sya sa akin. Gusto kong malaman kung sino ang kausap nya at kung bakit ganoon sya magsalita pero wala naman akong karapatan.

Nakakunot ang noo nya ng umupo sa kinauupuan kong couch. Lumapit sya sa akin at inilapag sa binti ko ang isang paper bag.

"Dress, underwears and slippers. Pinabili ko sa maid para may magamit ka." Sabi nya habang nakayakap sa akin.

"Hahatid kita condo mo pero sana mamaya na." Nakabaon ang mukha nya sa leeg ko. I can't breath. Not because it's tight. Para ba kasing sa ginagawa nya sa akin ay nasosoffucate ako sa ibang paraan.

How can I act after this? How will I treat him after this? Pwede ba kong maging clingy sakanya? Pwede ko pa syang yakapin ng ganito kapag gusto ko?

Itinigil ko ang pag iisip at itinoon ang atensyon ko sa pinapanoon. His presence blocking my senses. Para bang lahat nalang sakanya na umaandar at tumatakbo.

Bakit ba kailangan kong mapunta sa ganitong sitwasyon? Bakit ba kailangan sakanya ko maramdaman to? Ito na ba ang karma ko? Sya na ba ang karma ko? Parang ayokong sya ang maging dahilan para magalit ako sa mundo.

Ng tignan nya ko ay nawala ako sa dagat ng mga iniisip. Kusa kong inilapit ang labi ko sa mga labi nya at idinampi ito dito. Enjoy it before it lasts Prestine.

"Thank you." Mahinang sabi nya ng maghiwalay ang mga labi namin. Ngumiti ako bilang tugon. No Rick, thank you.

~~

"Are you ready?" Tanong nya. Tumango ako at inayos na ang seatbelt ko.

The truth is hindi pa ko handa. Ayoko pang malayo sakanya. Ayoko pang matapos ito, but happy ever after needs to come to an end sometimes.

Nagdrive lang si Rick ng tahimik. Nakatitig ako sakanya at pag nahuhuli nya ang mga tingin ko ay umiiwas ako. I want look at his face. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko sya matititigan ng ganito. Baka ito na ang huli. Baka wala ng susunod. Baka hindi na maulit na makasama ko sya. Ayoko mang isipin pero ayon ang totoo. What if hindi nya na ko kausapin, puntahan o tignan man lang pagkatapos nito?

Ayokong makulong sa alaala nya kung magkataon man. Gusto ko pa ring mabuhay ng masaya pagkatapos nya.

"What are you thinking Prestine?" Tanong nya. Umiling ako at ibinaling sa labas ng bintana ang mga mata. I don't want to creep him out. Baka lalo syang mawala pag sinabi ko sakanya ang mga iniisip ko.

May ilang minuto pa ay nakarating na kami sa condo building ko. Bumaba ako sa sasakyan nya at isinarado ito. Ibinaba nya ang bintana at kumaway sa akin. Ganon rin ang ginawa ko bago nya inirolyo pataas ang bintana at pinaandar ang sasakyan palayo sa akin.

Bumuntong hininga ako at umiling nalang. Wala akong ganang umakyat ng unit ko. Binuksan ko ang pintuan at ang ilaw na nasa gilid ng pintuan.

"Happy birthday Prestine!" Sigaw ng mga kaibigan kong nasa loob. Nandoon si Zeth kasama ang naalala kong isa sa kaibigan ni RK na lalaki, nandoon rin si Dylan at ang boyfriend nya at si Wendy. Ngumiti ako ng bahagya at lumapit sakanila.

Birthday ko pala ngayon? Hindi ko naalala.

"Hindi mo naalala?" Naniningkit ang mga mata ni Zeth. Umiling ako.

"Akala ko umalis ka lang ng maaga pero hindi ko akalain na.." Sinadya nyang putulin ang sasabihin dahil sa tili ni Wendy.

"Oh my god Prestine! You stay the night with Rick Kaizer Montero!" Hindi ako sumagot. I'm actually not in the mood for a birthday celebration now. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa sa mga naiisip at nararamdaman ko.

"Inom tayo?" Yaya ni Dylan. Tumango ako at sinabing magbibihis lang ako.

Kahit gusto kong magkulong nalang dito sa kwarto at magmukmok ay nahihiya naman ako sa mga kaibigan ko. Maybe being drunk will make me forget the thoughts about him. Sana.

"So what happened?" Tanong ni Zeth habang nakahilig kay Mon. Kanina pa ito parang awkward sa presensya namin pero kapag tinatanong naman ay nakikipag usap.

"I don't want to talk about it." Simpleng sabi ko.

Nakakailang bote na kami at unti unti na ring silang nag uuwian. Nag magsiuwian silang lahat ay napabuntong hininga nalang ako. Kahit anong inom pa yata at kahit gaano kadaming bote ang maubos ko hindi ko yata makakalimutan ang lahat ng tungkol sakanya.

How can I fucking forget him kung may nangyari na sa amin.

God, why you're doing this to me? Why you need to make me fall to someone kung hindi naman rin pala magiging sa akin. Ngayon mo na ba binibigay ang karma ko? Bakit ngayon pa? Bakit sya pa?

Tumunog ang phone ko at ng binuksan ko ito ay nakita ko ang isang message. Isang message na nakapagpabuo ng araw ko.

*Don't overthink. Happy birthday. Open the door and get the gift I dropped off there. -Rick*

--

To be continued..

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon