Chapter 34

745 23 9
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

Continuation..

"Ihatid mo nalang siguro ulit ako sa bar." Dismayadong sabi ko. Wala sya sa bahay nya. Hindi naiba ang code kaya nakapaghalughog pa ko sa loob ng bahay.

"Mabuti pa umuwi ka nalang sainyo. Idadaan kita sa building nyo bago ako umuwi. Maybe he's there. Malay mo."

"Bakit naman sya pupunta don?"

"Because he's mad at you and maybe he wants to talk?"

Hindi na ko nakipagtalo kay Terry. Ibinaba nya ko sa harapan ng building at nagwave. Paulit ulit akong nagpaalam sakanya pero sinimangutan nya lang ako at tinawanan.

"Yung sinabi ko tatandaan mo."

Tumango ako sakanya at hinintay na makalayo ang sasakyan nya. Huminga ako ng malalim at mabagal na naglakad papasok ng naturang building. Hagdanan ang ginamit ko imbes na elevator. I want time to think. Imposibleng nasa taas si Rick. Imposibleng hinihintay nya ko gayong kaninang kausap ko sya ay minumura nya ko.

Ganoon ba talaga ang akala nya sakin? Na dahil sumama ako sa ibang lalaki na hindi sya ay may iba na kaagad ako at pinalitan ko na sya?

Napahinto ako sa paghakbang ng makita ko si Rick na nakasandal sa pintuan ng unit ko. Mabagal nyang inuuntog nya ang ulo nya dito at pinupunasan ng paulit ulit ang pisngi at mata nya.

He's crying?

And he's crying because of me?

Mahal nya nga talaga ako?

Totoong mahal nya ko?

Parang gusto ko nalang tuloy mawala, maging invisible, yakapin sya at magpakalayo layo. Can I really do this? Can I really say things that will hurt him?

I don't deserve his tears, I don't deserve him either. He's changing for the better because of me but here I am going to break his heart and trust. Mahal nya na ko at nagbabago na sya para sa akin but I know he'll going to change for the worst after I tell him what he needs to know.

Sana Rick mapatawad mo ko.

Sana pagkatapos kong sabihin sayo ang lahat ng totoo mahalin at patawarin mo pa rin ako.

I'm hoping and wishing and praying for an imposible thing to happened.

Pinunasan ko ang luha kong tuloy tuloy na tumutulo at nagpatuloy na sa paglalakad. Nilingon nya ko at nakita ko ang pagbabago ng itsura nya. Nagkaroon ng pag asa ang mukha nya, mahina syang napatawa bago ako sinalubong ng mahigpit na yakap na nagpatunaw sa akin, panay rin ang halik nya sa pisngi at buhok ko.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now