Chapter 49

489 36 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Continuation..


"Babe can we stay at my dad's place?"


"Huh? Bakit?" Huminga ako ng malalim at hinila sya lalo palapit sa akin. She's always zoning out and that's making me insane. I want to be able to speak with her without being awkward but she's making that hard. Pakiramdam ko hindi pa sya nagsasalita ay sinusumbatan nya na ko. Hindi pa sya nagsasalita ay para bang may gusto ng sabihin ang bawat reaksyon ng mukha nya.


"Dad wants me to take over his company. Aalis sila ni Mom para magpagamot sa ibang bansa."


"You gonna leave me in their house alone?" Seryosong tanong nya.


"No babe. Isasama kita parati sa opisina. Mas malapit lang kasi doon ang kompanya kaysa dito. You're going with me right?"


"You know I'm going with you anywhere." Sagot nya na may ngiti. Tumango ako sakanya at hinalikan ang buhok nya.


"I need to take you to the theraphy session later babe."


"Mmkay."


Pumunta kami sa psychiatrist na nirekomenda ng doktor noon sa hospital. Only to find out that the psychiatrist they recommended was Justin Brook's best friend. What a great fucking coincidence.


"Can he stay here inside? I don't want him away." Parang bata na pakiusap ni Prestine. Nagtataka man ay tumango nalang si Surene sakanya.


"I'm Surene Reyes and you're Prestine Winters right?" Tumango si Prestine sakanya at naglahad ng kamay, kinuha ito ni Surene at ngumiti sakanya, she smiled back at her just to be polite. Nasa malayo ako at tinitignan lang sila habang nag uusap. I don't want to hear her confessions again. Ayoko ng maguilty ng paulit ulit kahit hindi naman yon maiiwasan.


"You can tell everything to me Prestine. Everything that bothers you, even the smallest details."


May tatlong minuto pa ang lumipas ay tapos ng magkwento si Prestine at si Surene na ang nagsasalita.


"I know how hard that is. Na kahit pagpikit at pagdilat ay nakikita mo pa rin ang mga nangyari nang gabing iyon. Marami akong naging mga pasyente na ganyan o mas malala pa ang mga napagdaanan. They all cried or zoned out when they talk about it, ang ilan ayaw ng pag usapan pa ang mga nangyari but you need to get that off of your chest Prestine. Like the other patients that I handled kailangan mong makumbinsi ang sarili mo na tapos na yon at wala ng mangyayari pang ganon ulit. Nahuli na ba ang mga gumawa non sayo?"


Tumango si Prestine sakanya at nakita ko ang pagkuyom nya ng kamao. Zeth told us about it. Nahuli na raw ang mga gagong gumawa non sakanya. Ayaw nyang harapin ang mga yon at hindi madaling gumulong ang kasong isinampa sakanila kung hindi sya haharap sa korte. Kung makakaalis lang sana ako sa tabi ni Prestine ay pupwedeng ako na ang pumatay sa mga gagong yon para lang makabawi sa ginawa nila kay Prestine but that's not simple. Mahirap umalis sa tabi ni Prestine dahil kailangan ay parati syang may kasama at hindi pupwedeng mapag isa.

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon