Chapter 47

414 29 0
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Play the song:


Why - Jason Aldean


Continuation..


"Sir labas muna po tayo. Kailangan pong magpahinga ng pasyente." Tumango ako sa nurse at nagtangkang tatayo na pero hinila ni Prestine ang kamay ko. Hindi na sya umiiyak at naghihysterical pero tulala naman sya at nakatingin sa kawalan. Nakahawak sya sa kamay ko at pinaglalaruan ito ng hindi ako tinatapunan ng tingin. I want to talk to her but I can't simply do that. Nahihirapan akong tignan sya o kausapin man lang. Kagagawan ko to at sobrang nagiguilty ako.


"Don't." Stern na sabi nya. Tumingin ako sa nurse at tinanong kung pwede ba, umiling sya sa akin kaya tumingin ulit ako kay Prestine.


Pabalibag nyang binitawan ang kamay ko. "Go! Leave me again! Dyan ka magaling eh! Dyan ka masaya. Go pero wag ka ng babalik kapag umalis ka Rick!" Sigaw nya. Mabilis na bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Prell, Zeth at Lucas.


"Go leave! I dare you to fucking leave!"


"Hindi ako aalis." Mahinang sabi ko. Huminga sya ng malalim at tinitigan ang nurse.


"You! Umalis ka dito!" Sita nya sa nurse. Yumuko ito at mabilis na lumabas.


"Prestine anong nangyayari sayo?" Tanong ni Zeth ng makalapit sa kaibigan. Tumitig lang ulit sa kawalan si Prestine at hindi na ulit kumibo.


"Natrauma sya Zeth. Intindihin mo nalang. Let's go." Tumango si Zeth at nagpaalam na kay Prell na uuwi muna, ganoon rin si Lucas. Nang may pumasok ulit na nurse ay lumapit ito kaagad kay Prestine at tinurukan ng pampakalma. Sandaling oras lang ng makatulog sya pero bago nya ipikit ng tuluyan ang mata nya ay hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.. "Don't leave."


"Hindi sya magkakaganyan kung hindi ka gago."


"I know."


"Kung hindi lang sya nagwawala kapag nawawala ka sa tabi nya baka kinaladkad na kita palabas. Now deal with her. Kasalanan mo yan kaya pagdusahan mong makita syang nagkakaganyan."


Lumabas sya ng kwarto at naiwan akong iniisip ang mga sinabi nya.


If only I can take all her pain. If only I can erase all the memories of last night in her mind. Pero hindi ko kayang gawin.


Prestine's POV


Flashback..


Ilang oras pa kong naghintay ng paglabas nya sa kwarto. But five minutes turns to two hours and I grew tired of waiting for him. Lugmok akong lumabas ng unit nya at sumandal sa pintuan nya.

Hard To Get Karmaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن