Chapter 31

502 20 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: sorry po kung maikli. Medyo wala po ako sa mood magtype at medyo kailangan ko pa ng mas maraming hugot.

Continuation..

RK's POV

I look at her confusedly. Para bang nabato sya sa nakita at sa narinig.

"M-Matheo." Bulong nya.

Nakailang beses syang lumunok. Nakatitig lang sya sa lalaking nasa kabilang banda ng lamesa at nakangisi sakanya. Nang matapos ang titigan nila ay nag iwas sya ng tingin.

Gusto ko syang tanungin kung sino yon at kung bakit ganoon ang reaksyon nya. Pero wala ako sa posisyon. Wala akong karapatan dahil pinalaya ko na sya. But.. do I really want this with her? Kaya ko bang makitang ganyan ang reaksyon nya sa iba? Kaya ko na bang magreact sya sa iba?

"Kilala mo si Theo, Prestine?" Rinig kong tanong ng lalaking katabi nya. Tumango si Prestine habang nakatingin sa lalaking palayo.

"K-kaano ano nyo sya Lucas?"

"Kapatid sya ng fiançee ni Michelle."

Napansin ko nanaman ang paglunok nya. Tangina sino ba yang Matheo na yan at ganyan ang epekto nya kay Prestine?

"Rick are you okay?" Nabaling ang atensyon ko kay Anastacia. Tumango ako at tipid na ngumiti sakanya. After this party I will tell her that we need to stop what she thought we are having. Hindi pwedeng ganito nalang ang parating sitwasyon. I don't want to hurt Prestine anymore. And if seeing Anastacia and I always make her sad, then maybe I better off being alone.

"Bakit?" Tanong ni Lucas. Nag umpisa nanaman ang panibagong set ng programme na nakahanda. Hindi ko alam kung gagawin ko na ba ang kailangan kong gawin o ipagpapaliban ko muna.

No. I need to do this. Now. Kaylan pa ba ako tinubuan ng konsensya at naaawa ako sa magiging reaksyon ni Anastacia. We're just flings anyways.

"We need to talk."

"A-about what?"

"Basta."

Sinabi nyang mauna na ko sa lobby at hintayin ko nalang sya doon. I get an oppurtunity to text Prestine.

*I'll text you if we need to go Prestine.*

"Rick?" Lumingon ako at nakita si Anastacia na nakatayo malayo sa akin. Malungkot ang mukha nya. Maybe she knows that this will coming. Sana lang ay hindi sya ganyan kalungkot. Sana lang ay hindi sya gaanong masaktan kung puputulin ko na kung anong alam nyang meron kami. Naaawa ako sakanya. Simula ng makilala ko si Prestine parati nalang akong mahina at naaawa sa iba.

Hard To Get KarmaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora