Prologue

1.1K 23 5
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

~~

"I believe that our deal is not done yet." Rinig ko mula sa kabilang table. Eto yung lalaking kasabay kong bumili ng coffee. Yung antipatikong inunahan ako sa pag order.

"Yes it is." Tipid na sagot nung babaeng maganda na katapat nya. I can see that she's irritated with that arrogant jerk infront of him. Kahit sino naman ata. Sa tindig palang nya, kahit hindi na sya magsalita pa ay mayayabangan ka na.

Nandito ako sa starbucks. Hinihintay ang kaibigan kong si Zeth dahil dito nya gustong magkita kami. Hindi pa naman gaanong matagal ang paghihintay ko kaya hindi pa ako gaanong naiinip. Tsaka maganda naman ang ambiance dito at interesting ang eksena sa harapan ko.

"Hindi ako nainform na tapos na?" Nakita ko ang ngisi na bihira kong makita sa kahit kanino. Bad boy sya. Hmm. I should know na sa mukha pa lang nya ganoon nga sya.

"Come on RK. Matagal na yon. Tapos na. Tumigil kana. Hindi ka pa ba masaya? Eto ang gusto mo e. Yung miserable ako." She groan. Frustration is written all over her soft and tired features.

Umiling ang lalaking RK ang pangalan at uminom ng coffee habang nakatingin sa babae na iniinis nya. I wonder what they're talking about. Hindi naman sa tsismosa ako pero masyadong nakakaagaw pansin ang pag uusap nila. Interesting din itong lalaking RK ang pangalan. He's hot, handsome but his bad boy/annoying style was really captivated me the most.

"Huy. Kanina ka pa?" Tumingala ako kay Zeth. Umupo sya sa couch na nasa harapan ko at tumingin sa lugar na tinitignan ko.

"Bakit nanonood ka sa kanila? Chismosa mo." Bulong ni Zeth. I hush her by putting my fingers on my lips. I want to hear more.

"I want you to stop this bullshits Tarra. Stop begging. Stop chasing. Stop being stupid. Leave him! That's all I'm asking for you to do."

Hindi ko gaanong naintindihan yung sinabi nya kanina. Hindi ko tuloy nasundan.

"Manipulative jerk." Mahinang bulong ni Zeth habang nakatitig sa RK.

"Maybe I'll let him know every secrets you kept from him from the very start."

Blackmailer too.

"Then do it. Parte ka ng ilang sikretong yon! Bullshit RK sa dami ng katangahang ginawa ko ngayon mo lang naisipan yan? Ngayon mo lang talaga naisipang patigilin ako? Sana noon pa. Sana dati pa."

Napa O ang bibig namin sa narinig. "Interesting." Sabay naming tango ni Zeth. Sa lahat ng kaibigan ko sya lang ang nakakasakay sa akin. We're different yet we're the same. Siguro naimpluwensyahan nya lang talaga ako sa maraming bagay. Sakanya ko rin siguro nakuha ang pagiging mapaglaro ko.

"Maraming mangyayari Tarra. Kung ayaw mong masama sa gulo si Justin gugustuhin mong iwan nalang sya. But then again choice mo naman yan."

Inlove siguro tong lalaking to dun sa Tarra. Too bad she looks like head over heels to someone else. But I don't know. Mukhang maraming motibo ang tumatakbo sa utak nya at isa pa hindi ko naman sya kilala.

Lumabas ang babae na sinundan naman namin ng tingin. Nagkatinginan kami ni Zeth at parehas na napangisi habang nakatingin na sa lalaking na nasa kabilang table. Naglapag ako ng susi ng kotse sa ibabaw ng table namin habang sya naman susi ng condo unit ang inilapag.

We really have the same shape of mind.

"Game." Usal ko ng nakangisi.

"Pag hindi mo napaiyak within 6 months akin na kotse mo."

"Pag napaiyak ko akin na condo mo." Ngisi ko. Hell. We're beyond insane but we like it. This is fun for us.

Tumingin ulit kami sa lalaking prospect ng pustahan namin ng marinig itong magsalita.

Tumayo ako sa inuupuan kong couch at lumapit sakanya ng makitang wala na syang kausap sa cellphone.

"Y-yung friend ko gusto m-makipagkilala sayo pwede ba?" Tumingala ito sa akin at nginitian ako. Akala ko susungitan pa ko eh.

"Sure. I'm RK and you are?"

"I-I'm Prestine." Tumango ito, tumayo at sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa table kung nasaan si Zeth.

Let the game begin, Prestine.

--

To be continued..

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon