Chapter 43

355 22 1
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity


Chapter 43


Continuation..


RK's POV


"Where the hell are you!" Sigaw ko sa teleponong hawak habang naglalakad papasok ng mall. Ibinaba ko ang telepono at mabilis na nagmartsa papunta sa lugar kung nasaan si Thine. Nasaan ba ang boyfriend nya at sa dami ng pwedeng tawagan para magpasundo ay ako pa talaga ang naisipan nya?


Alas dyes na ng umaga ako ng magising. Nakakita ako ng maraming missed calls mula kay Thine at mga text na galing rin sakanya. Nang tawagan ko sya para sana tanungin kung bakit sya nang iistorbo ay bigla nalang syang humagulgol at sinabing puntahan ko sya sa mall kung nasaan sya. Kaya kahit wala pa ko gaano sa wisyo ay mabilis akong nagbihis at dumeretso sa mall. Nakakabwisit lang na ang mismong lugar kung nasaan sya ay dadaan sa Luxary boutique. Walang ibang daan at doon lang pupwede.


Kaya ng malapit na ko sa mismong boutique ay mas binilisan ko ang lakad ko. Pero may sumigaw sa pangalan ko na nagpahinto sa akin. Hindi yon boses ni Prestine o ng mga kaibigan nya kung hindi ay ng isang bata.


"RK! RK! RK!" Paulit ulit pa nyang tawag. Tinignan ko ang bata at nakita na ayon ang anak ng nagpatuloy sa akin noong nalasing ako at nakatulog sa daan.


Tinignan ko lang ito habang papalapit sa akin at ng tuluyan syang makalapit sa akin ay bigla nalang syang ngumiti at hinila hila ang damit ko.


What the hell is he doing here? Tumingin ako sa loob ng boutique at nakitang nakatingin sa akin si Prestine. Nandoon rin sila Zeth, Wendy at Dylan, nandoon rin si Azie kasama ang isang hindi ko kilalang babae.


"Rick naman eh. Takbo ng takbo." Galit na sigaw ni Azie habang naglalakad palapit sa amin. Of all places huh?


Fucking coincidence.


"Sorry RK kung makulit tong anak ko ah."


"It's fine." Tango ko sakanya. Kinarga ko si RK at dumukot ako sa bulsa ko. Hindi ko alam kung bakit may dala akong chocolate kaya siguro ay ibibigay ko nalang ito sakanya.


"Hati kayo ni Mommy mo." Ngumiti ako sakanya at ipinasa sya kay Azie na nakatingin lang sa amin habang nakangiti.


"Kung wala sana akong emergency ngayon, yayayain ko kayong mag ina na kumain ng icecream but maybe next time." Tumango si Azie habang nakasimangot naman si RK. I never like kids but I never hate them especially this one. Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero malapit talaga ako sakanya. Minsan talaga hindi ko alam kung saan ilulugar ang sarili ko. Masyado na kong magulo.


"Bye Daddy!" Sigaw ni RK. Kumunot ang noo ko sa narinig pero hindi ko nalang sya sinaway at nilingon pa. Hindi ko alam ang history ng pamilya nya. Pero siguro kaya tinawag nya kong Daddy ay dahil wala sya non. If he wants to call me that then it's okay with me.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now