Chapter 32

600 20 3
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: medyo nawawala ako sa detalye so pagtyagaan nyo na yung timeline.. Enjoyyy!

Continuation..

Prestine's POV

"S-sinong nagsabi sayo?"

Mahinang tanong ko. Tahimik na nagmamaneho si Theo at deretso lang ang tingin sa kalsada. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I need to know everything he knows.

"Zeth." Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa labas ng bintana.

God. Why? Of all people bakit si Zeth pa? Parusa ba to? Akala ko ba kaibigan ko sya? Bakit ganito? Bakit sinabi nya? Hindi nga kay Rick pero kay Theo naman.

"You're really into bad boys huh?"

"Si Lucas? Tapos anong pangalan non? RK?" Tumawa pa sya at umiling iling.

"K-kaylan nya sinabi sayo?"

"Last week. She's drunk and before we had sex naikwento nya." Napasinghap ako. Sex? Sila? Kaylan pa?

Napayuko ako at tinignan ang phone ko. Kinuha nya ito mula sa akin at sinagot ang taong bigla nalang tumawag.

"Babe, Rick daw?" Nakangising sabi nya. Gusto kong magmura. Gusto kong sakalin sya pero hindi ko magawa dahil hawak nya ko sa leeg. Pwedeng pwede nyang sabihin ngayon ang lahat ng totoo. Damn I can't take risks.

"H-hello Rick."

"Wow. Just wow Prestine. Ang bilis mong makahanap ng iba. Babe? Kakaiba ka. Tangina. Hindi ko akalain. Tangina." Napapikit ako at ninamnam ang lahat ng naririnig sa kabilang linya.

Hindi ganon yon Rick. Hindi to kagaya ng iniisip mo. Gagawin ko lang to para sayo. Para sakin. Para hindi mo ko kamuhian buong buhay mo.

"Tangina mahal na mahal na kita tapos ipagpapalit mo lang ako sa iba? Ng ganon kabilis?" Mabilis kong pinatay ang tawag. I don't want to hear more from him. Ang sakit lang.

Mahal nya na ko. God mahal nya na ko. Bakit kailangan pang mangyari to gayong mahal nya na ko?

"Stop the car." Humihikbing sabi ko. Ayoko na. Ako na lang ang magsasabi kay Rick. Ako nalang kaysa mas kamuhian nya pa ko sa pag aakalang may iba na ko. Ako nalang ang magsasabi ng totoo kaysa sa ibang tao nya pa malaman.

"Nope." Simpleng sabi nya. Hinawakan ko ang braso nya habang nakayuko akong umiiyak.

"Please Matheo please. Stop this." Inuuga ko sya habang inihihinto nya na ang kotse sa gilid ng daan. Walang gaanong tao rito pero mas gugustuhin ko na to kaysa naman dalhin nya ko sa impyerno nya.

I can't do that to Rick. Mahal na mahal ko si Rick at sakanya lang ako.

"Ako na ang magsasabi sakanya. Ako nalang. Please wag ka ng mangielam. Ako nalang."

"Kaya mo?" Nanunuya nyang tanong na tinanguan ko.

"Kakayanin ko. Basta wag mo nalang sabihin sa iba. Please. Ako nalang. Please Matheo promise me hahayaan mo ko. Ipangako mong hindi mo na guguluhin at sisirain ang buhay ko. Theo marami na kong naging kasalanan sa lahat ng naapakan ko, pero please hayaan mo na ko dito."

Suminghap sya at pinaandar ulit ang sasakyan. Pinipigilan ko sya pero hinawi nya lang ang kamay ko.

"I'll drop you off somewhere public Prestine. Hindi doon."

Napatakip ako sa mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa relief na hindi nya na sasabihin kay Rick ang alam nya kaya umiiyak ako o dahil sa dami ng problema ko.

Hard To Get Karmaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن