Chapter 20

423 16 1
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

Continuation..

"Gusto mong sumama?" Tanong ko kay Rick. Ayokong umalis at iwanan sya dito pero kailangan kong puntahan si Michelle. Susukatan ko sya ngayon at tatanungin ng mga detalyeng gusto nya patungkol sa gown na gagawin ko para sa debut nya. Akala ko'y magkakaroon ako ng pahinga na ginugusto ko pero dahil naging malapit sa akin si Michelle ay hindi ko nakuha ang bakasyong gusto ko. Maybe after her party magpahinga na talaga akp.

"Hintayin nalang kita dito. Matatagalan ka ba?" Tanong nya habang nakatayo sa harap ng microwave at hinihintay mainit ang inilagay na leftovers.

"Hindi ko pa sigurado eh. Hindi ka ba aalis?" Hinarap nya ko at tumango.

"Oo sana. Makikipagkita ako kala Terence. Kabusiness partner ko sya doon sa restobar." Tumango ako at lumapit sakanya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa hubad nyang dibdib at idinikit ang mukha ko sa likod nya. Ang bango bango nya. Ang sarap sarap yakapin.

"Mamimiss kita." Bulong ko. Nasisiraan na ko ng ulo alam ko pero nasanay na kong parati syang nandito sa bahay at hindi umaalis, nasanay na kong nandito sya sa maiksing panahon na yon.

May isang linggo na rin syang nandito at sa loob ng isang linggo na yon kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Kung ano anong what ifs ang naientertain ko.

"Gusto ko pagbalik ko nandito ka na or kahit na mamaya ka pa umuwi basta uuwi ka." Tumango naman sya at hinarap ako. Hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

"Of course. Hindi ako aalis." Ngiti nya. Parati syang nakangiti. Parati syang masaya. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin at sa kung anong meron kami o kung may kung ano pa syang ibang dahilan. Ang mahalaga? Nandito sya at akin sya. Tumingkayad ako at hinalikan ang labi nya. "Aalis na ko. Take care."

~~
Nakarating ako sa mansion ng pamilya Barrison. Sinalubong ako ni Michelle na ngiting ngiti at mukhang excited.

"Ate Prestine!" Tawag nya. Kumaway ako sakanya at ng makalapit ay binesohan sya.

"May ipapakilala ako sayo." Kayag nya sa akin papasok ng bahay. Nakita ko ang isang gwapong lalaki. Mukhang nasa 19 palang ito.

"Philip." Tawag nya. Lumingon ang lalaki sa amin at tumango lang. Hindi ngumingiti, walang reaksyon. Nacurious tuloy ako kung anong meron sa kanila matapos ang dinner nila noong araw na nagkakilala kami ni Michelle.

"Hi." Bati ko ng makalapit. Itinaas lang nito ang kamay nya sa akin at ngumiti ng tipid. Naaalala ko nanaman si Rick. Nakaalis na kaya sya? Nasaan kaya sya ngayon?

Sinabi Michelle na sukatan ko rin daw itong si Philip. Ginawa ko ang gusto nya at nagtanong kung anong design ang gusto nya para sa coat na gagawin. Sinabi nyang bahala na ko kaya tumango nalang ako at binalingan si Michelle na nakatitig sa lalaking mapapangasawa. Sana ay maging sila talaga. Bagay sila sa kabila ng pagiging snob nitong si Philip.

"Kung gusto mo Phil balik ka nalang o bukas nalang tayo magkita." Tumango ito sakanya at walang kibong lumabas ng bahay. Hindi sya hinalikan sa pisngi o kahit ano pa man. Napabuntong hininga si Michelle pero ng lingunin ko ito ay naging okay nanaman ang aura nya.

"Yung ate ko pala pupunta mamaya ate Prestine. Gusto nya sanang humanap ng damit mula sa Luxary. May dala ka po bang brozure?" Tumango ako at pinakita sakanya ang magazine style na brozure na may makapal na pahina. Ilang oras kaming nag usap tungkol sa kung ano ano. Gown designs, Philip, theme ng party, Philip, invites, Philip. Napapailing nalang ako dahil sa kulit nya.

"Minsan mas gusto ng mga lalaki ang mga babaeng pa hard to get. Subukan mong iignore sya, hindian, ayawan. Something like that. Mawawala ang pagiging snob nya kapag ginawa mo yon. Just try." Tumango naman sya sa akin at pumalakpak pa. Sumalampak sa kama nya at naglagay ng cutics. Gusto ko na sanang umuwi pero nagtext si Rick na mamaya pa sya makakauwi dahil may pupuntahan pa sya. Ayoko naman mabagot doon kaya maigi na rin siguro na nandito ako habang wala pa sya.

"Ma'am Michelle nandyan na po si Ma'am Anastacia." Mabilis syang tumayo. Binuksan ang pintuan. Tumingin sa corridor at ngumiti.

"Ate Prestine come." Tawag nya. Tumayo ako at inayos ang gamit ko at lumapit sakanya.

"Hi. Must be Prestine? Nice meeting you." Ngumiti ako sakanya at kinuha ang kamay nya para makipagshake hands. Sinabi nyang sa baba nalang kami mag usap dahil may kasama sya. I obligued and follow them. Maganda si Anastacia. Masyadong pino kumilos at parang modelo, wala ring bahid ng kaplastikan sakanya. Magkamukha sila ni Michelle pero mas matured tignan si Anastacia. Siguro ay model nga syang talaga.

Ng makababa kami ay nag CR muna ako. Nauna sila sa living room, nagretouch na ko dahil naisipan ko na rin umalis at puntahan ang isang branch ng Luxary at kamustahin ang ibang designers.

Lumabas ako ng CR at pumunta ng living room. Naglalakad akong tinetext si Rick.

*U home?*

Iniangat ko ang tingin ko. Pakiramdam ko mabilis na umakyat ang dugo sa mukha at ulo ko. Fuck. Again?!

"Hi Prestine this is RK, date ko sya sa birthday ni Michelle." Masiglang sabi ni Anastacia. Ngiting ngiti syang nakatitig kay Rick na nakakatingin naman sa akin na gulat na gulat. So eto ang tinatrabaho nya?

Kinuha ko ang brozure. Kinakalma ng tahimik ang sarili dahil sa nararamdamang inis. Ano nanaman to. Ugh!

"Nasaan nga pala si Michelle?" Tanong ko kay Anastacia habang nakatingin ako kay Rick na namumula na yata sa sobrang pagkapahiya o ano. "Nasa kwarto daw sya."

"This is the brozure." Ngumiti ako habang pinapakita sakanya ang iba't ibang designs ng mga damit.

"What d'you think Rick?" Tanong ni Anastacia. Lumapit pa sya dito at isinuksok ang mukha nya sa balikat nito. I want to look away but I can't. Hindi ko maialis ang tingin kay Rick na ngayon ay parang nabalisa. They're look good together. Kung hindi lang akin si Rick kikiligin ako sakanya. Bakit hindi ako kikiligin? Hindi naman sakin ang gagong yan ah.

"This is our bestsellers." Turo ko sa isang parte ng brozure. Tatango tango naman si Anastacia habang tinitignan ang mga details na nakasulat sa bawat isang gown.

"Silk gown with bare back and an enclosed front. Isinoot yan ng isang actress na nanalo ng oscar award last 2012." Tumango tango ito na para bang impressed na impressed sa mga sinasabi ko.

"I will get it." Tumango ako at nakipagkamay sa dalawa.

"Let Michelle know that I leave. Thank you Anastacia." Nagthank you rin sya at inihatid ako sa kung nasaan nakapark ang kotse ko. Gusto kong iumpog ang ulo ko. Gusto kong sampalin si Rick at gusto ko naman kalbuhin si Anastacia. Pero ano? Wala akong magawa. Bakit? Dahil wala akong karapatan. Tangina nasasaktan na ko wala pa rin akong karapatan. This is too much. But I need to stand still. Professional akong tao. Hindi ako basta basta nagboburst out dahil lang sa ganito.

"See you at the party Prestine." Tumango ako at pumasok sa kotse ko. Nakalabas na ko ng gate ng mansyon at ng naturang subdivision ng magring ang phone ko. Now he's calling me? Just wow Rick. Wow.

"Hello? I'm driving I can't talk right now." Wala sa mood na sabi ko.

"Prestine.. S-so-"

"It's okay. I understand. Naiindihan kong hindi ako sapat. Wala akong karapatan. Don't worry hindi ako galit."

"N-not like that.. Prestine umuwi kana. We'll talk. Paalis na rin ako."

"No. Stay. Pupunta ako sa Luxary ngayon. I need to talk to the other designers." Minaniobra ko ang sasakyan ko papunta sa kasalungat na daan papunta sa Luxary.

"Umuwi kana. Mag uusap tayo." Ulit nya pa. Sino sya para mag utos? Wow. Wow talaga.

"I'm going to do my shit first Rick kung maaari wag mo kong inisin." Pinatay ko ang tawag at ang mismong phone ko. Nakakairita. Nakakawalang gana.

"Gaf bukas na ba yang bar mo?" Tanong ko ng buksan ulit ang telepono. Tinawagan ko ang kaibigan kong si Gaffin. I want a drink. Hindi ako pwedeng umuwi ng matino dahil naiirita pa rin ako. I need to fucking calm my nerves down.

"Sige I'm on my way."

--
To be continued..

Hard To Get KarmaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum