Chapter 23

505 19 1
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

A/N: play the following songs..

STAY WITH ME - SAM SMITH

JUST A LITTLE BIT OF YOUR HEART - ARIANA GRANDE

Continuation..

Normal days passed. Can I call it that way? Can I really call these past few days, normal? Normal ba na hindi ko sya pinapansin at ganoon rin sya sakin?

Huminga ako ng malalim habang tinatahi ang mga desenyong kailangan ng mabusising pagtatahi. Lumalabas lang ako ng working room kapag kakain, matutulog o maliligo. Hindi na ko nakakapanood ng TV o kahit ano. Nagkikita naman kami pero hindi naman kami gaanong nakakapag usap ng maayos. Malapit na rin naman matapos ang gown. Ilang araw nalang ay pupwede ko na itong ibigay kay Michelle para sa fitting. Naipadala ko na ang isang gown na gusto ni Anastacia. Pinaliitan ko pa ito at iniba ng konti ang desenyo. She loved it. Nakita kong panay ang pagpuri nya sakin sa social networks na ikinatuwa ko naman. Malapit ko na rin naman makuha ang bakasyon na gusto ko.

Lumabas ako ng kusina ng makaramdam ng gutom. Sarado ang ilaw dito na ikinapagtaka ko. Pero ng makapasok ako ay nakita ko nalang ang mga scented candles sa lamesa at iba pang bahagi ng kusina. Nakahanda rin ang iba't ibang klase ng pagkain sa dining table. Appetizer, main course, desert at drinks.

"Nagustuhan mo ba?" Bungad sa akin ni Rick. Nilapitan ko ang lamesa at nakita ang iba't ibang pagkain na nakilala ko lang ng makalapit. He cooked all of these? Wow.

"Impressive. Sana ay pinag ayos mo nalang muna ko. Mukha akong katulong oh." Natatawa kong sabi habang nakatingin sa soot ko.

"Mukha rin naman akong driver eh. Okay na tong soot natin. Tayo lang naman dalawa ang tao eh." Pinaghila nya ko ng upuan. Sinalinan ang wine glass ko ng inumin at umupo naman sya sa kabilang banda ng lamesa.

"Salamat." Pigil ngiti ko. Ngumiti lang sya sa akin pabalik at sinabing kumain na kami.

"Para saan nga pala to?" Tanong ko ng matapos makain ang main course. Maraming pagpipilian sa mga pagkain at masaya naman akong nagkakasya pa iyon sa bituka ko. Halos 12 hours rin pala akong nasa working area. Hindi na ko magtataka kung sa mga oras na yon ay nagawa nya lahat ng ito.

"Pambawi?" Tanong ko na inilingan lang nya.

"Eh, para saan?" Ngumuya pa sya ng ilang beses bago lununin ang kinakain at magsalita. "Hindi ko rin alam. Well, siguro sinusubukan kong maging romantic?" Natatawa nyang sabi. Napatango ako.

"I see.. Kung gusto mo palang magpaka romantic sana ay dinala mo nalang ako sa restaurant. What usual guys do para maplease ang mga babae. Alam mo na."

"Don't you like it? I mean.. nag effort ako pero gusto mo ba yung sa restaurants nalang?" I waved my hands infront of me. Saying no.

"No. Of course I liked it, I loved it to be exact. Pero kasi alam mo yon. Seriously. You cooked all of these, set all of these. Mahirap lang maniwala na totoo to. I mean. Parang nananaginip lang ako at hallucinations ko lang na nag eeffort ka para sa akin."

"This is real. Kaya naman ginawa ko to kasi.. alam mo yon. I want to spend more time with you. Busy ka parati these past few days, wala rin naman akong magawa dahil ayokong lumabas at istorbohin ka. Mabilis ko lang rin naman matapos ang kailangan sa negosyo thru laptop, feeling ko lang.. na maging alam mo na.. sweet." Kibit balikat nya.

Natatawa ako. Kung eto ang paraan ng mga lalaki para maging sweet paano pa kaya makakarecover ang mga babae. Ang swerte ko. Pero hindi rin eh.

"Alam mo Rick. Kapag nagawa mo to sa taong mamahalin mo. Alam mo yon. Sya na yung pinaka maswerte, for sure iiyak yon sa sobrang saya. Baka nga yayain ka na nyang magpakasal kaagad eh." Nangingiti kong sabi. That's reality. Sooner or later kakainin nya rin ang sinabi nyang hindi sya capable magmahal. Dadating rin yung panahon na kahit anong sabi nya na hindi nya mamahalin yung isang taong gusto nya, magmamahal at magmamahal pa rin sya. Sad to say maaaring hindi ako yon. Sad to say baka talagang praktisan lang ako. I must tuck that on my mind. Ako lang ang una sa mga ganito. Dadating rin yung tamang babae para sakanya.

Hard To Get KarmaWhere stories live. Discover now