Chapter 8.1

401 16 0
  • Dedicated kay Thine Alagao
                                    

Hard To Get Karma

© Dropdownbymygravity

A/N: Sorry for the typos and wrong grammars. Enjoy.

Continuation..

Sumalampak ako ng upo sa pool side dito sa may garden. Nandito kasi kami sa bahay ng kaibigan naming si Dylan. Nasa loob si Wendy, Porsh at Dylon habang wala pa naman si Zeth.

Wala akong ganang makipagtawanan o makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko at sa mga kaibigan nila. Halos tinatamad din ako magsalita kaya lumayo nalang ako. Ayokong masabihan ng killjoy.

Sariwa pa rin yung mga alaala ko kasama si Rick may tatlong araw na ang lumipas. Hindi ko mapigilan ang mamiss ang presensya nya. Hindi ko mapigilan hindi isipin ang mga nagagawa nya sa akin kahit iniisip ko pa lang naman sya. Damn, mababaliw na ko sa kakaisip sa kanya.

Dapat talaga ay kinuha ko na ang number nya or dapat hinanap ko sya sa facebook.

Oh my god Prestine! Malala ka na talaga.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang hawak na canned soda.

Ayokong isipin na huli na naming pagkikita iyon ni Rick. He always shows up when I need him. Para syang si Edward Cullen ng Twilight Saga. Dumadating kapag kailangan ko. I need him everyday but he's still not showing up. Kailangan ba ay may kasangkutan muna akong gulo kagaya noong nakaraan para makita ko sya ulit? Argh! No way Prestine. Hindi sya Psychic. Hindi nya alam ang mga nangyayari kaya mababa ang posibilidad na mangyari ang iniisip mo. He will not going to show up again. So don't be too pathetic.

"Prestine!!!!!" Nawala ako sa pag iisip kay Rick ng marinig ang tili ni Zeth. Nilingon ko ito at mabilis naman syang umupo sa tabi ko. Soot soot nanaman nya ang weird na eyeglasses nya pati ang wig na paminsan minsan kong makitang gamit nya.

"Ano nanaman itsura mo?" Tanong ko.

She shrugged and look at me with excitement. "Ang dami kong nalaman tungkol kay Rick, Kaizer or RK."

"May number ka nya?" Sana ay meron. Pero ng umiling sya at sumimangot ay bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya.

"Tell me nga Prestine. May nangyari na ba sainyo nung si Rick?" Umiling ako at ibinalik ang tingin sa pool.

"In love ka na? Paano yung deal?"

Napaisip ako dahil sa tanong nya. Yung deal?

"It still on Zeth. Hindi pa naman ako in love. Medyo hindi ko lang talaga makuha ang ugali ni Rick. Alam mo yon. Sobrang mysterious. Tahimik. Maybe that's why he's so attractive. Tsaka alam mo yon pag intimate scene na para bang lahat ng tinatago nyang emosyon pinapakita nya." Tumingin ulit ako kay Zeth na laglag ang panga. Tinapik ko ito at inirapan.

"Well marami na syang nagawa para mabaliw ako Zeth, but we haven't done that yet. So far hindi pa naman. Hindi ko nga alam kung binibitin nya ba ko o sadyang pagkakataon lang yung gumagawa non eh. I can him what he wants kung hihingin nya, pero ewan ko ba. Binabaliw nya ko Zeth. Sobra."

"So may something na kayo?" Tanong nya. Umiling ako.

Tumango tango sya at biglang may sumilay na ngiti sa labi nya. Ipinakita nya sa akin ang picture ni Rick na naka print.

"Bakit meron ka nito?" Tanong ko sakanya pagkaagaw ng picture. Ang gwapo nya dito lalo na't nakacorporate attire pa sya.

"Chill. Galing sa google yan. Marami pa syang picture doon. Hindi ko inakala na bigtime pala ang napili mong prospect. Sobrang yaman." Pinakita nya pa sa akin ang mga nasa wikipedia na information tungkol kay Rick. He's 27, son of Walter Montero and Diana Montero, may kapatid na Justine Montero ang pangalan. He is soon to be CEO of his Dad's company. Ayon lang ang information na nakalap ko pero hindi pa rin ako makapaniwala. I never thought na sobrang yaman nya akala ko ay katulad lang namin. But his signature clothes, his car? Yeah, that freaking expensive car he own. Mayaman na mayaman ang dating.

"Eto pa. Remember that time na nasa resto tayo? Pagkaalis nyo ni Rick ay inulan ako ng tanong mga kaibigan nya at ng kapatid nya. Sino ka daw at bakit ganoon nalang daw ang trato sayo ni Rick. Sabi ko wala akong alam sa kung anong meron kayo, doon ko naisip na tanungin sila kung bakit ganoon ang reaksyon nila kay Rick." Para akong istudyanteng attentive na nakikinig sa teacher. Pagdating kay Rick ay nanginginig ang katawan ko.

"Well wala daw kasi tong hilig sa babae. I mean wala syang hilig na hawakan ito sa bewang, sa kamay or bumuhat ng bag lalo na sa public place. Makikipag halikan lang daw yon pag kasama nila sa bar tapos magpapaalam na aalis. Hindi daw marunong magseryoso si Rick. Walang girlfriend since college. Hindi daw sya playboy pero badboy." Kumunot ang noo ko. Badboy?

"Remember yung girl na nakita natin kausap nya nung magkaroon tayo ng deal? Fiance yon ng kapatid nya.. sa labas. Tapos galit si RK doon sa kapatid nya kaya may mga ginagawa syang hindi katanggap tanggap. Tarra yung name ng girl di ba? Though hindi na nila sinabi kung ano yon dahil personal na masyado.. And they asked me one thing." Hinintay kong magsalita sya. Binitin nya pa ko.

"Sabi nila ilayo kita kay Rick. He's no good for anyone daw. Masyado silang galit kay Rick pero takot din sila. Prestine mukhang seryoso sila. Ayokong sabihin sayo to pero baka kung anong mangyari lalo na ngayon, may gusto kana sakanya."

Inilayo ko ang mga mata ko sakanya at huminga ng malalim. Kung ganoon nga. Hindi ko alam. Gusto ko ng seryosohin ang laro para may mapatunayan sa sarili ko pero hindi ko naman kaya ang hinihingi ni Zeth. Alam ko sa sarili ko na sa oras na magpakita sa harapan ko si Rick ay wala nanaman akong magagawa kung hindi ang um-oo sakanya. He have this control over me. Nakokontrol nya ang utak ko, ang katawan ko at tingin ko pati ang puso ko.

"I don't know Zeth. Hindi ko naman kasi nakikita ang mga sinasabi nila. Rick is not like what they said when he's with me. Hayy ewan. Bahala na."

--

To be continued..

Hard To Get KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon