Chapter 22

463 14 0
                                    

Hard To Get Karma
© Dropdownbymygravity

Continuation..

Nagising akong umiikot ang paligid, mabigat ang nakadagan sa akin at mabago ang naamoy ko.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Ikinilos ko ang mga kamay ko at tinagilid ang sarili. Kaya pala mabigat ay may nakahiga sa gilid ko, nakayakap at nakadantay ang mga kamay at paa sa katawan ko.

Rick.

Unti unti kong inalis ang kamay nyang nakayakap sakin. "Sorry." Napabuntong hininga ako ng marinig ang malalim na boses nya. Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

"Sorry Prestine." Ulit nya. Pilit akong umupo pero nahatak nya pa rin ang katawan ko pahiga. How can I resist him? How can I say no? How can I be mad at him for too long kung hindi ko kayang iwasan sya at kung mabilis lumambot ang puso ko para sakanya.

"You don't need to." Bulong ko. Iniiwas ang tingin sakanya pero hinawakan nya ang baba ko at inilapit ang mukha nya sa akin. "No I have to. I'm sorry." Inilapat nya ang labi sa akin at tinitigan ang mga mata ko. I think I'm gonna melt.

"Kain tayo? Nagluto ako ng breakfast, kahit lunch na ngayon." Tumingin ako sa digital clock na nakalapag sa may bedside table at nakitang 1pm na. Anong oras ba ko nakauwi kagabi.

Mabilis akong nagshower at nagsoot lang ng Tshirt ni Rick at ng underwear sa loob. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa dining table. He's there wearing a white sando and boxer short. Gusto kong mainis, magalit o ano pero ayoko naman ng magsalita. Gugulo lang ang lahat at ayokong mangyari yon.

Tahimik kaming kumain. Walang umiimik pero parati ko syang nahuhuling nagnanakaw ng tingin sa akin. "S-saan ka nagpunta kagabi?"

Hindi ako kumibo. I'm not in the mood to explain things to him. Hindi ko yon responsibilidad kagaya ng pagsasabi nya sa akin kung bakit may kasama syang iba.

"Sino yung sumagot ng phone mo? Tsaka bakit hindi mo na sinagot ang tawag ko?" Ibinaba ko ang hawak na mga kubyertos. Gusto ko nalang sumabog sa inis. Bakit kailangan nya kong tanungin ng tanungin?

"Tell me Rick. Ano ako sayo? Ano tayo?"

"Not again Prestine. Not again." Iiling iling na sabi nya.

Napangisi ako. "Of course, not again. So tell me. Bakit kailangan mong malaman ang mga errands ko? Pinapakialaman ba kita sa mga gusto mong gawin sa buhay mo?" Nag iwas ako ng tingin at pinagtuunan ulit ang kinakain.

Hindi sya nagsasalita pero panay lang ang buntong hininga nya. "Sometimes we better know where we stand in this kind of relationship Rick. Ako nga hindi ko alam kung hanggang saan ang limit ko eh. Ganon ka rin dapat."

Kinuha ko ang pinagkainan ko at inilagay sa sink. Pinunasan ko ang luha ko dahil sa katotohanan mula sa sinabi.

"Ikaw ang gumusto nito Rick. You want to be with me kaya ka pumayag ka sa proposal ko. But you know what? Bago lang kasi ako sa ganito eh. Sure, madalas akong manakit ng mga lalaking sinasaktan at ginagago ako pero akala mo ba gusto kong nasasaktan ako dahil sa pananakit ko? Rick hindi. Never kong ginusto ang kahit ano iiyakan ko."

"Damn it sinubukan kong huwag magkaroon ng reaksyon kahapon eh pero kapag iniisip ko na nasakin ka nga pero hindi ka naman totoong akin halos masiraan ako ng ulo. Rick ano ba tong ginagawa mo!"

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mga hikbi ko. Natatawa ako pero panay pa rin ang tulo ng mga luha ko. Tumingala ako. Gusto ko nalang itulog to baka sakaling masamang panaginip lang ang lahat.

"Kaya sana Rick wala nalang pakialamanan. Wala nalang sanang tanungan. You wanna do what you want then fine, do it, I'm cool with it. Hindi kita tatanungin, hindi ako manghihimasok. Ayoko lang sanang makita, ayokong marinig mula sa iba at ayokong maramdaman na hindi pa ko sapat. Sana kapag nandito ka iparamdam mo sakin na ako lang, na wala ng iba, na sapat na ko." Naramdaman ko ang hininga nya sa batok ko at ang mga braso nyang nakapulupot na sa bewang ko.

Hard To Get KarmaKde žijí příběhy. Začni objevovat