Chapter 26: Till Death

4.3K 176 40
                                    

S T O R M

Days passed by and our wedding was coming. They temporarily separated me to Fara. Naiwan si Fara sa bahay habang ako naman ay dinala ni Dad sa hacienda.

I released my backpack on the sofa as I wandered my eyes around the living room of Lolo Max's mansion. Mas lalo yatang dumami ang mga diyos-diyosan na nakadisplay doon. Kung nandito lang si Fara, siguradong mas lalong matatakot 'yon. I'd missed her already.

Natanaw ko si lolo na papalapit sa amin. Medyo nahihirapan ito sa paglalakad kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya para magmano at alalayan siya.

"Lo, pahiram ako ng kabayo mo ah! Maghohorse-back riding lang ako," Alex told him. "Thanks!" Di pa man nakaka-oo si Lolo, kumaripas na ito ng takbo.

Naiwan kaming dalawa ni lolo sa sala. Inalalayan ko siyang umupo sa sofa.

"How are you, Lo?" pangungumusta ko sa kanya.

"Mabuti naman," aniya at biglang napaubo.

"Inuubo na kayo." Hinimas ko ang likuran niya.

"You'll get married again?" tanong niya nang mahimasmasan siya.

"Yes, Lo, pero kay Fara pa rin."

"Humihina na ako at nagiging sakitin na. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?"

"H'wag niyo pong alalahanin 'yon. Maabutan niyo pa mga apo niyo sa akin. Matagal pa kayo bago mamatay," biro ko sa kanya.

Pinagmasdan ko siya. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot, lalo na kapag napapasulyap ako sa mga rebultong collection niya.

"Matanda na ako." Muli siyang umubo. "Anytime mamamatay ako."

"Bata ka pa, Lo." Nasa seventy pataas pa lamang ang edad niya. Naniniwala akong aabot pa siya ng eighty pataas. "Gusto mo bang gumaling at humaba ang buhay mo, Lo?" medyo seryosong tanong ko.

Napatitig naman siya sa akin saglit bago nag-iwas ng tingin. "Of course."

Napangiti ako nang bahagya at saka hinawakan ang kanyang balikat. "Even though you don't understand me most of the time, I still love you," I sincerely said. "But this love is useless if I would not tell you the truth... That you need Jesus in your life."

Hindi siya tumugon ngunit bigla siyang tumayo kalaunan. "Matagal ko nang tinanggap ang Panginoong Jesu-Cristo," aniya nang hindi ako nililingon.

"Lo, if you already accepted Jesus in your life, you wouldn't collect these images and sculptures."

"Those images are the remembrance of the saints and God. It's a sign of respect and acknowledgment," madiin na sabi niya.

"Remembering God is not about collecting these things," sabi ko sa mahinahon na paraan. Ayaw kong biglain siya, ngunit hindi ko hahayaang mamatay siya na naniniwala pa rin sa bagay na lubos na kinamumuhian ng Diyos ― ang pagsamba sa diyos-diyosan. "Paano po kayo nakakasiguro na ganyan nga ang mukha ng Panginoong Hesu-Kristo? This is a big insult to God."

"Ito na ang kinagisnan ko. Don't push me to your religion!" His voice raised and gave me a sharp look.

I heaved a deep sigh to let out the pressure between us. "Lo, I am talking about here is the will of God. I want you to be free from this..." Inilibot ko ang tingin ko sa mga rebulto na nasa paligid namin. Napapikit ako ng mariin bago muling nagsalita. "Jesus is the only way to heaven. No other else. Kung pwede lang bumaba mula sa langit ang mga santong sinasamba ninyo, makikiusap din ang mga ito na h'wag ninyo silang sasambahin. Those images insult God. God wants us to worship Him in spirit because He is spirit, not a wood or stone. We don't have to buy images and sculptures just to prove that we have God in our lives. Anyway, God is not for sale."

Loving a BelieverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon