Chapter 8: Pain

4.2K 197 34
                                    

F A R A

"Fara..."

I was awakened by someone shaking me and calling my name. I slowly opened my eyes. Bumungad sa akin ang mukha ni Storm na basa pa ang buhok at halatang kaliligo lamang.

"Get up and eat your lunch." A charming smile was plastered on his face, which brought butterflies to my stomach. He looked so handsome. I looked away as I felt my cheeks becoming warm.

Napatingin ako sa bintana. I thought it was already afternoon, but the sky was dim because of the rain.

Napagtanto ko na nakatulog lang pala ako sa ininom kong gamot kaninang umaga.

Dahan-dahan akong bumangon; inalalayan naman niya ako. Parang gusto kong lumayo sa kaniya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

He pointed to the bedside table where he placed my food. I forced myself to eat it before taking a bath. I shivered when the cold water hit my skin. There was no heater in Grandma's house. Wala akong nagawa kun'di tiisin ang lamig. Nasa kalagitnaan na rin kasi ng Agosto. Maybe I should wear a jacket later.

I put the towel around my body then I stared at my reflection in the mirror for a moment. Nothing changed... Ganoon pa rin ang gilid ng mga mata ko ngunit nagkaroon na ako ng kaunting laman.

I just heaved a sigh before I walked out of the bathroom.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa bintana ng kuwarto ko habang nagsusuklay ako ng buhok. Kitang-kita ko roon ang pagpatak ng ulan at pagdausdos ng tubig sa salamin.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya huminto ako sa pagsusuklay at lumabas ako ng kuwarto para uminom ng tubig. Napatigil ako nang makita ko roon si Storm na may kausap sa kaniyang cellphone.

"I can't leave Fara here... Okay... Don't worry, I'll be there soon... Just take care... Bye." He ended the call. Then, his gaze turned towards me. "Do you need something?" he asked me.

Umiling lang ako at tumuloy ng kusina para kumuha ng tubig sa refrigerator.

"You can call me when you need something," I heard him say.

I did not look at him. I just realized that I became a burden for Storm. Hindi na niya magawa ang dapat niyang gawin dahil nandito siya at binabantayan ako.

Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang tumunog ang doorbell. Napansin ko sa sulok ng aking mga mata na ganoon din si Storm. Nilapag ko ang baso sa mesa at sinundan ng tingin si Storm na siyang lumapit sa pintuan. I was curious who came by. I know Kuya Tyler wouldn't go home yet.

The guard peeked from the door and said, "Sir, nandiyan ho si Sir Francis." Lumabas muli ito para papasukin ang taong binanggit nito.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Kaagad kong nilapitan si Storm at hinawakan siya sa braso. "Don't let him come in," mangiyak-ngiyak na pakiusap ko habang nakatingala sa kaniya. "Please!"

Confusion crossed his face. He held my shoulders as he faced me. "What do you mean?" he asked with brows met.

Umiling ako. "I don't wanna see him..."

Parehas na napatingin kami sa bumukas na main entrance ng bahay at niluwa nito ang taong ayaw ko nang makita pa. Napahigpit ang hawak ko kay Storm.

"Storm, I'm glad to see you here," he formally greeted Storm. Napatingin ito sa akin at inusal ang pangalan ko, "Fara."

Napabitaw ako kay Storm nang lumapit siya kay Dad para magmano. "How are you, Tito Francis?" Storm politely asked him.

"I'm good," tipid na tugon nito kay Storm habang nakapako ang tingin sa akin. "Fara, can we talk?" he asked. Lalapit sana ito sa akin nang humakbang ako paatras.

Loving a BelieverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon