Chapter 35: Preaching the Gospel

763 64 8
                                    

F A R A

Umaga pa lang, inayos na ang isang malawak na field kung saan idaraos ang crusade na gagawin namin. The location was near the falls. They built a stage under the big tree at that field. We invited the residents and workers there. Because Storm was known as Lolo Max's grandchildren and they knew him as one of their masters, they gladly accepted our invitation. The falls was just a few steps away, so we also invited some tourists there to come; we distributed the invitation cards to them.

The music team was now playing ramdom Christian songs on the stage to make the event lively and also to attract people while we were waiting for them to come. There were some youths and even adults from the falls got attracted, they watched the music team playing on the stage.

"Welcome po!"

Ate Christy and I were welcoming the attendees and leading them to their seats. I couldn't believe that we were evangelizing here in Lolo Max's place. I never thought that this would happen.

The residents and workers of the hacienda arrived at the venue a few minutes earlier than the time given to them. Perhaps they didn't want Storm to wait.

After a moment, the service finally started with praise and worship that was led by Kuya Bryan. I saw how happy the people were as they joined him singing a Tagalog Christian songs. They always sang songs in that language because they wanted people to understand the songs they sang, knowing that the people in a place like this cannot fully understand English language. So, when Storm finally started preaching, he preached using pure Tagalog language. There he was on the stage, preaching the Gospel...

"Tayo pong lahat ay makasalanan. 'Yan po ang sinasabi ng Romans 3:23, walang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos! Walang ibang ginawa ang tao kundi ang gumawa ng kasalanan. Ang mga tao ay namumuhay sa pakikiapid, kahalayan at kalaswaan, pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang uri ng kasalanan na sinasabi ng Banal na Kasulatan! At lahat ng mga gumagawa nito ay hindi papasok ng langit! 'Yan po ang katotohanan na sinasabi ng Bibliya. Ngunit 'yan ang gawain ng isang tao. Araw-araw, nagkakasala siya sa Diyos..." He wandered his eyes around the people. "May makapagsasabi po ba rito na siya'y matuwid at hindi kailanman na nagkasala?" he asked the crowd, raising his hand.

"Wala!" the youths on my side responded and then giggled. Kanina pa alive na alive ang mga ito sa preaching ni Storm dahil narinig kong pinag-uusapan nila siya. They were fascinated by Storm's handsome face. Ate Christy and I were just smiling and chuckling at them, but I was hoping that they would be touched by God.

"Wala po, hindi ba? Tayong lahat, sa bawat araw na dumaraan sa buhay natin, nagkakasala tayo, nasasaktan natin ang Diyos..." Storm resumed. "Sa pamamagitan ng pagkakasala, nasasaktan natin ang Diyos. Kaya, noong sa panahon ni Noe, sobrang nalungkot ang Diyos nang pagmasdan niya ang sangkatauhan dahil wala Siyang makita na matuwid bukod kay Noe. Nagsisi Siya na nilikha Niya ang tao. Sobrang namumuhi ang Diyos sa kasalanan, ngunit ang tao na pinakamamahal Niya sa Kanyang mga nilikha, walang ibang ginawa kundi ang magkasala. Kaya, nilipol Niya sila sa pamamagitan ng isang malaking baha, at tanging si Noe at ang kanyang pamilya lamang ang naligtas. Ngayon... Sa pagdating ng paghahatol ng Diyos sa mundo, ganyan din ang gagawin ng Diyos sa mga makasalanan, kabilang ang henerasyon na kinabibilangan natin ngayon. Lilipulin Niya ang mga taong ayaw tumalima sa Diyos at ibubulid sila sa impyerno! Totoo po ang impyerno, mga kapatid. At totoo na diyan magdurusa ang mga makasalanan bilang kabayaran ng kanilang kasalanan - walang hanggang pagdurusa sa impyerno..." He turned the pages of his Bible placed on the pulpit. "Sapagkat sinasabi ng Roma 6:23, 'Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan...' Ang kamatayan po na pinabanggit dito ay walang hanggang kamatayan sa impyerno. Pero... mayroong Magandang Balita na nais ng Diyos na malaman ninyo. Ipagpapatuloy po natin ang sinasabi ng Roma 6:23, 'Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.' Ito po ang magandang balita. May libreng kaloob po ang Diyos sa atin na buhay na walang hanggan, at ang buhay na walang hanggan po na 'yan ay ang langit, kung saan wala nang hirap, pighati, sakit at pagluha. Ganyan po kamahal ng Diyos ang tao, dahil ang sabi ng Juan 3:16, 'Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.' Alam po kasi ng Panginoon na hindi kayang iligtas ng tao ang kanyang sarili sapagkat likas na sa tao ang magkasala. Kahit anong pagpapakabuti ang gawin niya ngayon, hindi pa rin niya kayang magpatuloy sa pagpapakabuti sapagkat lilitaw at lilitaw pa rin ang pagiging likas niya na makasalanan. Ngayon, ang ginawa po ng Diyos, ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak upang tubusin ang tao mula sa kasalanan. Binigay po ng Diyos ang kaisa-isa Niyang Anak na si Jesu-Cristo para sa ating mga makasalanan. Ang parusa na dapat ay para sa atin ay si Jesu-Cristo ang nagbata. Binugbog Siya at pinako sa krus. Sa pamamagitan niyan, nalinis po tayo sa kasalanan, inako ng Panginoong Jesus ang kasalanan ng sangkatauhan. Sa habag ng Panginoon, maaaring maligtas ang tao bagamat siya'y likas na makasalanan, dahil ang Panginoong Jesu-Cristo ang naging daan natin upang tayo'y makalapit at makatawag sa Ama na nasa langit. Ang sabi po sa 1 Timoteo 2:5, 'Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos.' Malinaw po na sinasabi ng Bibliya na si Jesu-Cristo lamang ang nag-iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao. Hindi po si Maria o kung sino pa mang santo. Tanging ang Panginoong Jesu-Cristo lamang. Sapagkat ang sinasabi rin sa Juan 14:6, na Jesu-Cristo ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama maliban sa pamamagitan Niya. Wala pong makakapunta sa langit maliban sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Kahit sino pang santo ang tawagin ninyo o kahit manalangin pa kayo nang manalangin kay Maria araw at gabi, hindi po nila kayo maliligtas! Kahit pasukin man ninyo ang lahat ng relihiyon sa mundo, hindi po kayo maliligtas niyan! Ano mang relihiyon ang kinabibilangan mo ngayon, hindi ka maliligtas niyan! Bakit? Dahil ang sinasabi po ng Bibliya ay ang Panginoong Jesu-Cristo lamang ang daan papuntang langit, hindi po ang kung sino pa man o kung ano pa mang simbahan o relihiyon. Tanging ang Panginoong Jesu-Cristo lamang. Sapagkat 'yan din po ang sinasabi ng Gawa 4:12. Kay Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas..."

As Storm preached more, I looked at the crowd's reactions. There were no objection on their facial expressions. They looked convinced.

"Paano po natin matatanggap ang regalo ng kaligtasan? Sa pamamagitan po ng pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo. Kailangan po ninyong maniwala sa Mabuting Balita o Ebanghelyo na ipinangangaral ko ngayon. Si Cristo ay namatay para sa mga makasalanan, Siya'y inilibing at muling nabuhay pagkatapos ng tatlong araw. Muli pong nabuhay ang Panginoong Jesu-Cristo at Siya po ay naghahari ngayon sa langit. Hindi Siya nanatiling patay! Buhay ang Panginoong Jesu-Cristo! At kailangan po ninyong manampalataya sa Kanya upang makamtan ninyo ang buhay na walang hanggan na libreng kaloob ng Diyos sa inyo. Wala po itong bayad. Libre lang. Sapagkat hindi po ginto, pilak o anomang kayamanan ang pinangtubos sa atin ng Panginoon kundi yaong mismong dugo Niya na tumigis doon sa krus ng Kalbaryo. Kailangan lang po ninyong manampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo. Ngayon, kung nais po ninyong tanggapin ang regalo ng Diyos na ito. Una po sa lahat, kailangan muna nating maging totoo sa sarili natin, aminin natin na tayo'y makasalanan at kailangan natin ng Tagapagligtas, kailangan natin ang Panginoong Jesu-Cristo sa buhay natin..."

Carlo started to give Storm a background music through his keyboard. He played a solemn piece, which gave Storm's preaching a touching effect.

"Maari po ba na tayong lahat ay tumayo?" Storm requested. They stood up. "Inaanyayahan ko ang bawat isa sa mga oras na ito na ituon ang ating kaisipan sa Panginoon. Ipikit mo ang mga mata mo, Kapatid... Kung gusto mong itaas ang mga kamay mo, gawin mo, dahil ang pagtataas ng kamay sa Panginoon ay simbolo ng pagsuko sa Diyos," He commanded and they followed him. "Sinasabi ng 1 Juan 1:9, 'Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat Siya'y tapat at matuwid.' Kapatid, hindi mo kailangan magkunwari kung naniniwala ka sa sarili mo na mabuti kang tao, wala kang inaapakan na tao. Ang sabi ng Bibliya, ang sinomang nagsasabi na siya'y walang kasalanan ay ginagawang sinungaling ang Diyos. Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na tayo'y makasalanan. Ang nais ng Diyos ngayon ay marinig Niya mula sa iyong mga labi ang salitang 'Panginoon, patawarin mo ako sapagkat ako'y makasalanan. Kailangan kita sa buhay ko...' Narito ngayon ang Diyos, nakikinig sayo. Kausapin mo Siya sa pagkakataong ito..."

Storm paused for a moment and analysed the crowd before speaking again, "Sinasabi ng Roma 10:9, 'Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na Siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.' Ipahayag mo ngayon, kapatid, na si Jesu-Cristo ay Panginoon at simula sa araw na ito, si Jesu-Cristo na ang iyong Panginoon..."

Storm nodded His head to Karen, so Karen started to sing a song.

"Siyasatin Mo Hesus ang puso ko
Sa kasalanang nagawa laban Sa'yo
Nagtatapat, sumasamo
Dumudulog sa harap ng banal Mong trono

Lumalapit di man karapat-dapat
Sa kabanalan Mo
Biyaya't kaawaan, kapatawaran Sa'yo
Ay nakamtam ko O aking Hesus..."

Storm sang with her as they repeated the song. And then, Storm started ministering the people. He prayed for them and laid His hand on those people who moved forward. Some of them were crying in God's presence.

"Lumalapit di man karapat-dapat
Sa kabanalan Mo
Biyaya't kaawaan, kapatawaran Sa'yo
Ay nakamtam ko O aking Hesus..."

"Hallelujah... Thank You, Jesus, for Your mighty presence in this place..." Storm prayed as he went back onto the stage. "And now, Father God, these people who who truly believed in Your Son, Jesus Christ, have received forgiveness, mercy and grace from You, and most of all, they received Salvation that you have promised to those who believes in the Gospel. Thank you, Lord! Thank you for the Salvation! Because of the sacrifice of our Lord Jesus Christ, we can now freely live by Your grace. You are so good and faithful! We have the assurance that You are truly alive because You show Your tremendous works in every generation. And at this moment, You move in our midst... You never change, O God..."

"Yes, Lord!"

Some were agreeing in his prayer, especially our pastors.

"Pwede po ba na ang lahat ng niligtas ng Diyos ay magsabi ng malakas na 'AMEN!'" Storm commanded.

"AMEEEEEN!"

The place got filled with the sound of praises to God. People were rejoicing for their salvation. And I was so glad to witness how many people have been saved...

Loving a BelieverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon