CHAPTER: 65 (I Am Your Ms.Right)

203K 5.7K 1.6K
                                    

PINAGTULUNGANG kalagan nina Jam at Bogz ang nakatali sa upuang si Check

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PINAGTULUNGANG kalagan nina Jam at Bogz ang nakatali sa upuang si Check. Ang grupo ng mga private securities na pinamumunuan ni Frank ay patuloy sa paghalughog sa buong paligid. Sina Jaxx, Yohan at Gavin ay abala naman sa pakikipagpalitan ng suntok sa natitirang nakatayong kalaban na sina Leo, Kenneth at Ruther.

"Maraming salamat," anang maluha-luhang si Check kayna Jam at Bogz na nagtutulong sa pag-alis ng lubid na nakapalibot dito.

"Kasama namin kanina 'yong kaibigan mong si Hendrix, pero hindi namin alam kung nasa'n na siya ngayon. Biglang humiwalay, eh," anang si Jam. "Malaking tulong ang nagawa niya. Siya ang nakaalam na dito ka dinala."

Luminga-linga si Check sa malawak na paligid.
'Drix? Nasa'n ka? Masyadong delikado!'

Matapos mapabagsak si Kenneth ay binalingan ng tingin ni Yohan si Check. Tumagos ang tingin nito, nahagip ng mga mata nito ang biglang pagsulpot ni Lance sa kanilang tapat na may hawak na baril. Napatili ang nakawala ng si Check nang itutok dito ni Lance yung baril at akma ng kakalabitin ang gatilyo noon.

Mabilis ang sumunod na nangyari pero tila bumagal pa iyon sa paningin ni Check. Napaluhod na lang bigla sa tapat nito ang tumakbong si Yohan para saluhin ang bala na dapat sanay ay tatama dito. Tumama iyon sa likod ng kaliwang tagiliran ni Yohan.

"Yohan!" malakas na sigaw ni Check kasabay ng pagpatak ng luha nito.

Natigil ang lahat at sabay-sabay na napalinga ang mga ito sa gawi ni Yohan. Patakbong sinalo ni Check ang patumba ng katawan ni Yohan habang ito ay nakaluhod.

 Patakbong sinalo ni Check ang patumba ng katawan ni Yohan habang ito ay nakaluhod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Diyos ko!" usal ni Check nang makita nito ang pagdurugo sa likod ni Yohan.

Umalingawngaw ang isa pang putok nang baril na galing kay Frank. Nabitawan ni Lance ang baril nitong nakatutok pa rin kay Check para sana sa isa pang pagbaril. Ang kamay talaga ni Lance ang pinuntirya ni Frank. Mabilis namang dinampot ni Roger ang baril na pag-aari ni Lance at itinutok iyon mismo dito para hindi na ito makaporma pa.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon