CHAPTER: 64 (This Is Not The End)

140K 4.7K 694
                                    

SUMUNOD si Bright kay Hendrix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SUMUNOD si Bright kay Hendrix. Sinabi niya agad sa PRIME ang tungkol doon gayon din kayna Frank. Nakasilip sila sa likod na bahagi ng abandonadong pabrika ngayon na siyang itinuturo ni Hendrix na lugar kung saan makikita sina Check at Xyro.

Matamang tiningnan ni Bright ang katabi niyang si Hendrix. "Bakit alam mo ang tungkol dito?"

Sinulyapan siya nito. "I'm innocent. Wala akong nalalaman sa mga nangyayaring 'to, okay? Kaya huwag mo na akong pag-isipan ng masama. Gaya mo, gusto ko ring mailigtas si Check."

Biglang hinila ni Hendrix ang kanyang kamay para pasabayin sa pagyuko nang makita nito na may parating. Nakakubli sila ngayon sa patong-patong na makakapal na bakal.

"Tell me, ilan ang BREAKERS?"

"BREAKERS?" mahinang ulit ni Hendrix.

Saglit siyang tiningnan ni Hendrix at muli nitong itinuon ang mga mata kayna Leo at Daryl na pagala-galang naglalakad malapit sa pinagkukublian nila.

"BREAKERS ang tawag sa grupong 'yan na kumuha kay Check at Xyro." Nakatingin si Bright sa dalawang naninigarilyong miyembro ng BREAKERS na sina Leo at Daryl na kanyang namukhaan. "Walo sila no'ng unang beses namin silang naka-engkuwentro—"

"They are 12."

Naningkit ang mga mata ni Bright sa sinabi ni Hendrix. "Did you see each one of them? Are you sure, 12 silang lahat dito?"

"Yes. I saw them," pabulong na tugon nito.

Nagbuga ng hangin si Bright sabay tingin ulit sa dalawang nakabantay sa tapat nila. "Okay. We got this."

"There's something that you need to know."

Napakunot ang noo ni Bright. "Ano 'yon?"

Itinuro ni Hendrix ang tatlong lalaking palapit kayna Leo at Daryl. Nagsalubong agad ang mga kilay ni Bright nang makilala niya ang mga iyon. Ang mga iyon ay sina Hanz, Josh at Gio.

"ZERO," mahina ngunit mariing sambit ni Bright.

"They aren't 12," ani Hendrix. "May 7 pang kasama, so 19 to be exact."

Naningkit ang mga mata ni Bright. 'Nakipagtulungan ang ZERO sa BREAKERS?'

"Kaya ako nakarating dito dahil sinundan ko si Klent, 'yong pinsan ko," pagbubukas ni Hendrix sa kanya. "Tapos nalaman ko ngang dinukot nila si Check at 'yong Kuya niya. Narinig kong may kausap si Klent na tingin ko e isa diyan sa BREAKERS bago ko siya sinundan kanina. I heard tinawag niya 'yong Ash."

'Ash?' Naigilid ni Bright ang kanyang mga mata habang may iniisip.

"Thank you for bringing me here," pasasalamat ni Bright sabay tapik sa balikat ni Hendrix.

Tumango ito at seryoso siyang tinitigan . "Save her."

"We will."

















MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon