CHAPTER: 1 (Gangsters)

448K 11.1K 2.3K
                                    

(A/N)
Pakicheck muna ang "Characters Profile" page bago kayo magbasa para may idea kayo at makilala niyo ang mga characters sa story na ito at para hindi kayo malito lalo na at marami kayong mga pangalan na mababasa. Napahaba ang Chapter 1 pero ayos lang, first Chapter naman ito. And one more thing lang guys, ilan sa mga linya ng story na ito ay may mga mura/bad words. Just a reminder from Ate Yan. ❤️



•••••

LUH! It's very much beautiful day! It's hots but feeling okay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUH! It's very much beautiful day! It's hots but feeling okay. Kailangang lubos-lubusin ko na ang paglabas dahil pagkatapos ng dalawang Linggo ay pasukan na ulit. Sana magkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Ano kayang pakiramdam na maging isang transferring student sa isang kilalang school? Sana naman mabait ang mga estudyante ng Prime University. Luh! Excited na talaga ako!

Mula sa poder ng mga magulang ay nagdesisyong umalis si Check para sundan ang kanyang Kuya at manirahan kasama nito sa Central Ville. Isang Linggo pa lang nang siya ay lumipat kung kaya't sabik pa siyang makita at mapuntahan ang mga kilalang pasyalan sa bagong tirahan.

Nakakaangat sa buhay ang kanilang pamilya. Ang mga magulang niya ay pabalik-balik lang sa bansa dahil may bahay rin sila sa Korea. Doon ay subsob ang mga ito sa pag-aasikaso ng kanilang kaliwa't kanang mga negosyo.

Nang masiguro ng mga magulang ni Check na nasa ayos na ang lahat para sa gagawin niyang paglipat ng school ay nagpaalam na rin ang mga ito sa kanilang magkapatid na babalik muna ng Korea para doon muna mamalagi. Ikinatuwa niya ng sobra ang pagpayag ng mga ito sa naging desisyon niya na paglipat ng school.

"Ang ganda talaga nitong cap na bigay sa akin ni Kuya," ani Check habang ipinaiikot-ikot ang sumbrero sa kanyang hintuturo.

Naisipan niyang maglakad-lakad. Ilang araw na rin siyang hindi mapirmi sa bahay dahil mas gusto niyang mamasyal kaysa magbasa-basa gaya ng ipinagagawa ng kanyang kuya.

"Luh! Ang galing, tanaw pala mula sa lugar na 'to ang school."

Habang iginagala pa ang kanyang mga mata ay natanaw niya ang isang tila kakaibang lugar sa isang palusot na daan na nasa kanyang tapat. Tingin niya ay mukha iyong isang bakanteng lote. Kapansin-kapansin ang matataas na fence na nakaharang doon.

Lumabi si Check. Ano kaya 'yon?

Nang magsimula na ulit siyang maglakad ay biglang lumakas ang hangin. Nilipad ang sumbrerong nasa kanyang daliri pababa doon sa nakita niyang kakaibang lugar. Gumulong-gulong iyon, malayo ang narating at tumigil doon sa tapat ng fence na harang.

Napakamot ng ulo si Check. Hala! Shemay! Kapag minamalas ka nga naman, oh.

 Hala! Shemay! Kapag minamalas ka nga naman, oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon