•••INTRODUCTION•••

389K 9.9K 1.1K
                                    

•-Please kindly watch the Story Trailer first, thanks!-•

Lagi akong sablay at mali.

Ano pa nga ba ang aasahan n'yo sa akin eh below average ang I.Q ko.

Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang ilang mga bagay na lalong nakakapagpasaid ng utak ko.

Nagsimula iyon noong umapak ako sa Prime University at nang maka-engkwentro ko ang grupo ng PRIME.

Ayoko sa Gangsters!
Nakakasira sila ng bait!

Ang aangas ng dating, akala mo kung sinong mga importanteng tao na kailangan pang sambahin.

Ewan ko ba! Hindi ko alam kung anong klaseng epidemya ang kumalat sa buong school para umasta ng mga ganoon ang lahat ng estudyante. Makita lang nila ang grupo ng gangsters na 'yon akala mo eh katapusan na ng mundo. Hala bira kung magsitilian ang mga babae, kinabog pa ang tili ng nire-rape. Sige lang ng sige sa kakatili, kulang na lang eh mapatiran ng litid. Ang mga kalalakihan naman eh sunud-sunuran sa kanila. Sinusunod nila ang kahit na anong sabihin o iutos ng PRIME.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa mga buhok nilang hindi ko maintindihan kung sinong adik ang may pasimuno! Paiba-iba ng mga kulay at hair style. Mukhang buwanan o lingguhan yata kung magpalit, mga ang sasarap kalbuhin.

Hindi ko rin maintindihan minsan ang kanilang mga porma. Minsan kakaiba ang itsura ng kanilang mga damit tapos kung ano-anong abubot ang nakikita kong nakasabit sa mga leeg nila at mga daliri. Itineterno nila iyon sa mga suot nilang jacket at may mga butas na pantalon. May mga pagkakataon naman na akala mo sinaniban sila ng ibang tao, magugulat ka nalang na masyadong pormal ang kanilang mga suot.

Hay ewan! Ang labo ng grupo ng mga Gangsters na 'yan!

Basta ang masasabi ko lang... ayoko sa mga Gangsters! Pakiramdam ko lagi nalang magkakaroon ng gulo tuwing makikita o madidikit ako sa kanila.

Mapunta tayo sa pinapasukan kong school. Sa pagkakaalam ko, isang exclusive school ang Prime University. Ang mga nag-aaral dito ay highschool at college. Kapag dito ka daw nagtapos eh magiging mataas ang tingin sa'yo ng mga tao.

Tingin ko, inilagay ko ang sarili ko sa alanganin nang magdesisyon ako na mag-transfer sa Prime University. Bahala na kung ano ang mangyayari sa isang taon na pagpasok ko sa impyernong school na 'yon. Hindi naman ako natatakot.

Ako pa ba? Eh matapang naman ako.

Kakaiba lang kasi dahil may sariling pamantayan ang Prime University. Balewala sa kanila kung ano ang itsura ng mga estudyante. Hindi pinakikialaman ng eskwelahan ang gupit, kulay ng buhok at maging ang pananamit ng lahat... hindi sila mahigpit sa bagay na 'yon. May ilan ngang hindi pumapasok ng naka uniporme pero ang mga ganoong bagay ay natural na sa Prime University. Tinitingala at kinikilala ang Prime University, pero mapapakamot ka ng ulo at mapapatanong kung paano nangyari 'yon.

Ganito kasi 'yon...

Iiyak ka lang sa nag-iisang pamantayan ng eskwelahan. Iyon ay kapag hindi mo naabot ang una hanggang pang-limang pinakamataas na grado na maaari mong matanggap sa nasabing school ay bagsak ka na. Oo bagsak, iyak ka nalang!

Sa madaling salita, utak ang sandata mo at wala ng iba.

Paano na 'yan wala pa naman akong utak? Haha! Ang saklap!

Ibang klase ang mga professors sa school. Kung itatanong niyo sa akin ang level ng ginagawang pagtuturo ng mga professors sa P.U at kung madali lang ba ang makapasa... ay Diyos ko! Pudpudan ng utak!

Sapalaran lang naman ang pagpasok ko sa Prime University na 'yan. Hindi ko naman talaga hilig ang pag-aaral. Wala silang mapupudpod sa utak ko dahil literal na wala naman akong utak. Haha!

Oo... isa nga kasi ako sa mga below everage ang I.Q. Ang hina kong maka pick-up ng mga bagay, slow kumbaga.

Ako na ang madalas na sablay sa ilang mga bagay, kahit naman ako naiinis rin minsan sa sarili ko.

Kinulang ako sa knowledge, puro lang power.

Tapos ang masama eh eeksena pa ang isang lalaki na kaiinisan ko ng sobra dahil sa kanyang kayabangan. Ipinapamukha niya sa akin na lagi akong mali at siya daw ang laging tama! Pusa edi meow!




 Ipinapamukha niya sa akin na lagi akong mali at siya daw ang laging tama! Pusa edi meow!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako nga pala si Check.

Papatunayan ko na kaya n'yo akong hangaan sa katangiang meron ako.

At masasabi n'yong...

ako ay isang MS.RIGHT.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon