CHAPTER: 39 (The Warmest Hug)

154K 5.8K 1.1K
                                    

PAKIRAMDAM ni Check ay tila biglang lumiit ang lugar na iyon at hindi siya makahinga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAKIRAMDAM ni Check ay tila biglang lumiit ang lugar na iyon at hindi siya makahinga. Hindi na niya maramdaman ang lamig ng paligid at ang ingay ng hangin sa labas.

Nararamdaman na niya ang unti-unting pag-init ng paligid. Pakiramdam niya ay gawa iyon ng bonfire at ng yakap ni Bright mula sa kanyang likuran.

Nanatili silang tahimik at hindi gumagalaw o nagbabago ng posisyon. Napatingin si Check sa kamay ni Bright na ipinagsalikop nito kanina lang sa kanyang tiyan. Nakakaramdam siya ng pagkailang.

"Sa tingin mo, ano kaya ang nangyari sa'yo kung hindi kita nakita?" pagbasag ni Bright sa katahimikan.

Gustuhin man ni Check na humarap dito ay hindi niya magawa. "Oo na. Salamat." mahina niyang sambit.

"Kung sinu-sino pa ang kinakausap mo. You're talking to a stranger. Paano kung masamang tao pala 'yon? Hindi ka talaga nag-iisip. Palibhasa wala ka kasing utak."

Naigilid ni Check ang kanyang mga mata. 'Nag-iinit na talaga ang dugo ko sa gangster na 'to! Ang sakit magsalita, ha!'

"Ano ba'ng pakialam mo? Ang dami mo pang sinasabi. Sana iniwan mo na lang ako ro'n!" Dinampot niya ang isang maliit na bato malapit sa kanyang paanan at ibinato iyon sa bonfire. "Maiuuwi ko pa sana ang bike ko."

"Stupid bike! Mahalaga pa ba sa'yo 'yong bike na 'yon kay sa makauwi ka ng ligtas?" inis na tanong ni Bright.

"Ligtas? Kung hindi mo sana inilusong 'yong kotse mo sa baha, tapos doon tayo dumaan sa sinasabi ko, malamang nakauwi na tayo kanina pa...ng ligtas." Idiniin ni Check ang huling salita na kanyang sinabi. Dumampot ulit siya ng bato at inihagis iyon sa bonfire.

"So, sinasabi mo ba na mali ang ginawa ko? Kino-kontra mo na naman ako?!"

Bahagyang inilinga ni Check ang kanyang ulo. "Eh sa mali naman talaga, eh."

"Bright is always right," mariing sambit nito.

"Luh! Utot mo star!"

Nagsalubong ang kilay ni Bright. "What?!"

"Alam mo ng masisira 'yong makina ng kotse, inilusong mo pa rin," aniya sabay ismid.

"I can buy a new car. Kahit lima o sampu pa."

"Ang yabang mo!" mabilis na sabi ni Check.

"Ang yaman ko!" mabilis din na sabi ni Bright.

"Ang sama ng ugali mo!"

"Guwapo naman ako," pag-aangat nito sa sarili.

"Guwapo? Hay! Ang kapal!" dagdag na hirit ni Check.

"Sorry, but it's the reality. I'm so damn perfect."

"Hindi ka perfect, 'no!"

"I am," ani Bright.

"Kung sa tingin mo at tingin ng iba sa'yo ay perpekto ka, puwes para sa akin...hindi."

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon