CHAPTER: 30 (Prospect)

164K 5.1K 855
                                    

SI CHECK ang pormal na nagpakilala ng bago niyang kaibigang si Rue kay Hendrix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SI CHECK ang pormal na nagpakilala ng bago niyang kaibigang si Rue kay Hendrix. Dahil breaktime at tapos ng kumain ay naisipan nilang tatlo na magpunta sa school garden. Gusto rin kasing ibida ni Check ang magagandang bulaklak na naroon sa bago nilang kaibigang si Rue.

"Sayang hindi ko pa mapapakilala sa'yo si Pakner, yung bestfriend ko. Ka-edad natin 'yon, pero 2nd year college na siya. Na-accelerating kasi siya, eh."

"Accelerated," mariing pagtatama ni Hendrix.

"Huwag ka ngang sumabat, hindi ka kausap." Dumila si Check.

Habang binabagtas ang daan papunta ng garden ay hinuhuli ni Check si Hendrix kung mapapatingin ito sa bago nilang kaibigan na si Rue pero bigo siya sa kanyang iniisip. Kahit isang beses ay hindi pa niya ito nakitaan ng interes para kay Rue.

Siniko ni Check si Hendrix sabay inginuso si Rue. Kumunot naman ang noo nito at tinignan si Rue na tahimik lang na naglalakad kasabay nila.

"I'm so thankful dahil nakatagpo agad ako ng mga bagong kaibigan na gaya niyo," biglang usal ni Rue habang naglalakad. Nilinga nito ang katabing si Check at si Hendrix.

"Sana mapagtyagaan mo 'tong engot na kasama natin, Rue. Nasobrahan kasi 'to sa talino kaya baliktad ang naging epekto."

Hinampas ni Check sa braso si Hendrix. "Huwag mo akong simulan, Drix." Binantaan niya ng suntok si Hendrix. "Baka sabihin ko kay Rue na bakla ka dahil pinili mo pang samahan kame kesa doon sa iba mo pang mga kaibigan na lalaki. Ano? Jokla ka ba, Drix?" hindi na napigilang rumesbak ng pang-aasar niya.

"Haha!" pagtawa ni Rue.

Tumigil ng paglalakad si Hendrix. "Itong itsura kong 'to, bakla?"

"Baka isa kang mapagpanggap, Hendrix Alvarez. Lalaking-lalakwe," pang-aasar ni Check.

"Baka gusto mong—"

"What is that?" tanong ni Rue.

Sabay na naglingunan sina Rue, Hendrix at Check nang makarinig sila ng pagsigaw. Malapit na nilang marating ang bukana ng school garden. Patakbo silang lumapit gaya ng ilang estudyanteng nakasabay nila.

"Please put me down! Parang awa niyo na! Please!"

Todo ang sigaw ng isang lalaki na nagngangalang Samuel habang ito ay nakatali sa pinakamataas na puno sa garden ng Prime University. Takot na takot ang itsura nito habang patingin-tingin sa ibaba. Hirap itong kumilos dahil nakatali ang katawan nito doon sa puno. Paikot ang ginawang pagtali sa dibdib, bewang at doon din sa mga binti nito.

"Anyone? Please help me!" nagmamakaawang sigaw ni Samuel.

"Check, 'di ba iyan yung lalaki kahapon?" ani Rue habang nakatingala.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon