CHAPTER: 28 (Gavin, The Weirdo)

173K 5.2K 789
                                    

"PSSSTT! Gav

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"PSSSTT! Gav."

Kanina pa sinusutsutan ni Bogz ang katabi nitong si Gavin pero hindi niya ito pinapansin. Nakatingin lang si Gavin sa harapan habang pinakikinggan ang tinatalakay na aralin ng kanilang Professor.

"Gavin," tawag ni Bogz. "Hoy."

Sa inis ni Gavin dahil sa kakulitan ni Bogz ay wala siyang nagawa kundi lingunin ito. "T*ngina naman, eh. Pwede ba, huwag kang makulit? Kanina ka pa," Itinuktok niya ang ballpen niya sa ulo ni Bogz.

"Eh ayaw mo naman kasing tumingin, eh!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eh ayaw mo naman kasing tumingin, eh!"

"Why don't you just simply say what you want to say? Ba't kailangan ko pang tumingin?" Inis na dumekwatro ng upo si Gavin.

"Pupunta ka ba sa PHQ mamaya?" tanong ni Bogz.

Tinignan ni Gavin si Bogz pero agad niya ring binawi ang kanyang mga mata "I don't know. Baka kasi umuwi ako agad. I'm not that sure," walang ganang tugon niya.

"Gano'n ba? Makikisabay pa naman sana ako. Nasiraan kasi ang scooter ko. First time na nangyari 'to," bulong ni Bogz.

"Pa-kilo mo na," mabilis na tugon ni Gavin.

"Gago, mahal na mahal ko 'yon," asar na sabi ni Bogz.

"Oh? Edi pakasalanan mo."

Natahimik si Bogz. Umayos ito ng umupo at nakinig na sa itinuturo ng kanilang professor sa harapan. Mayamaya lang ay kinukulit na naman nito si Gavin. Panay ang kalabit nito habang sumusutsot.

"Sasaksakin na kita ng ballpen kong kupal ka!" inis na sabi ni Gavin.

"Kalma ka lang, Bro. Huwag muna. Pakakasalan ko pa yung scooter ko, eh," pabirong sabi ni Bogz.

"D*mn it! Huwag ka ngang kalabit ng kalabit dyan."

"Pumunta ka na ng PHQ, sige na. Pasabay ako," pangungulit ni Bogz.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon