CHAPTER: 18 (He's Cold Yet So Warm)

179K 5.7K 1.1K
                                    

NAPATAYONG bigla si Check dahil nakita nito ang kaibigang si Jane

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPATAYONG bigla si Check dahil nakita nito ang kaibigang si Jane. Kumaway ito para agad nitong mapansin ang presensya niya sa library. Napangiti naman si Jane nang mapansin nito ang pagkaway niya. Agad itong naglakad papunta sa direksyon kung saan nakapwesto ang kaibigan.

"Pakner! Dito ka na maupo," masayang sabi ni Check pagkalapit ni Jane.

Nawala ang ngiti sa labi ni Jane nang makita nito ang pag-angat ng ulo ng isang lalaking katabi ni Check na nasa harapan nito ngayon... si Yohan.

Sumeryoso ang mukha ni Jane. "Huwag na lang Pakner. Dito na lang ako sa kabilang table."

"Ang haba naman ng table, eh. Dito ka na lang. Tumabi ka na lang sa amin," yaya ni Check kay Jane. "Ito nga pala si Hendrix, Pakner. Hendrix siya si Jane, bestfriend ko." pagpapakilala ni Check kayna Jane at Hendrix.

"Hi, Hendrix," bati ni Jane.

"Nice to finally meet you, Jane. Madalas kang i-kwento ni Check sa akin," nakangiting sabi ni Hendrix. Inabot nito ang kamay at nakangiting tinanggap naman iyon ni Jane.

"You too, naku-kwento ka rin sa akin ni Pakner. Madalas pa nga, eh."

Dahil sa sinabi ni Jane ay hindi napigilang sulyapan ni Hendrix si Check kasabay ng matamis na ngiti nito.

"Si Yohan," turo ni Check kay Yohan na abala sa pagbabasa. "Classmates kayo, 'di ba?"

Tumango si Jane kasabay ng pilit na ngiti. We're enemies to be exact.

"Sige, Pakner. Doon na lang ako sa kabila."

Tatalikod na sana si Jane nang bigla na lang itong hinawakan ni Yohan sa pulsuhan nito at iniupo sa tabi nito. Napataas agad ang kilay ni Jane dahil doon

"Huwag kang mag-inarte dyan, Ms.Jaztine Neia Williams. Maupo ka na lang," ani Yohan na wala namang mababakas na ekspresyon sa mukha.

Tatayo sana si Jane pero hindi pa rin binibitawan ni Yohan ang kamay nito sa gilid habang nakaupo sila. Pinipigilan itong umalis ni Yohan. Nagtataka namang nakasilip lang sina Check at Hendrix sa dalawa.

"We're not in our class. Library 'to, kaya ceasefire muna."

"See it's fire? Asan?!" malakas na tanong ni Check sabay tayo sa inuupuan nito. "Masusunog ba ang buong school?!"

Sabay-sabay na napalingon sina Hendrix, Jane at Yohan sa biglang natarantang si Check. Nagtayuan ang ilang estudyante na nakarinig sa sinabi ni Check. Nagmadali ang mga itong bitbitin ang kani-kanilang mga gamit.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon