CHAPTER: 61 (Bright, The Coldhearted Leader)

159K 5.6K 546
                                    

ARAW ng Biyernes pero walang pasok ang mga college students dahil nagkaroon ng importanteng meeting ang mga college professors

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARAW ng Biyernes pero walang pasok ang mga college students dahil nagkaroon ng importanteng meeting ang mga college professors. Magkagayon man ay sinabihan na ni Bright si Check na siya na ang susundo rito.

Maaga ng dalawang oras ang naging paglabas ni Check dahil sa kanya. Ipinakiusap niya ito kay Professor Perez at ang ibinigay lang na dahilan ay may emergency kuno silang pupuntahan. Hindi naman nag-usisa pa ang professor dahil wala naman itong magagawa kapag nagsalita na ang batas sa school na iyon na walang iba kundi siya.

Nagpaalam muna si Check sa dalawang kaibigan nitong sina Rue at Hendrix. Napansin ni Bright na sinulyapan siya ni Hendrix pero maagap din nitong binawi ang tingin nito sa kanya.

"Mali 'yong ginagawa mo. Oo, hindi ko talaga gano'n ka-trip ang pag-aaral, pero mali 'yong hindi ko pagpasok sa huling dalawang subjects ko," himutok ni Check habang bumababa sila ni Bright ng highschool building. "Nagagawa mo ang kahit na anong gusto mo dahil ginagamit mo ang power mo dito sa school."

"Ano bang inaarte mo diyan?" tanong ni Bright habang siya ay nakapamulsa. "Kahit naman anong gawin mo, siguradong hindi mo maaabot 'yong required grade para maka-graduate ka."

Huminto sa paghakbang si Check at hinarap siya nito. "Ulitin mo nga 'yong sinabi mo? Iniinsulto mo ba ako?"

"Ako na ang bahala para maka-graduate ka."

Dumuyan ang kanang kamay ni Check sa ere para sana hampasin si Bright pero napigilan niya iyon. Nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa inis.

Bahagyang ngumiti si Bright. Hindi inasahan ni Check ang sumunod na ginawa niya sa kamay nito, ang halikan iyon. Napasinghap ito nang marinig pa nito ang nalikhang tunog noon.

"Don't get mad at me. Totoo naman 'yong sinabi ko," sabi ni Bright. Bahagyang humigpit ang hawak niya sa kamay ni Check. "You're the craziest girl that I've ever met... But I love you."

"Ayy!" gulat na usal ni Check. Napauntog ito sa dibdib ni Bright.

Nawala ang magandang mood ni Bright nang may lalaking nagmamadali sa pag-akyat at aksidente nitong nabangga si Check. Sa lakas noon ay maging siya ay napasandal sa pader. Napalunok agad iyong lalaki at nanigas sa kinatatayuan nang makita siya nito.

Hinawakan agad ni Bright sa may kuwelyuhan ang lalaki at pinandilatan ito ng mata. "Sawa ka na ba sa buhay mo ha?!"

"I-I'm sorry. Nagmamadali lang kasi ako. S-Sorry talaga, hindi ko s-sinasadya," halos makagat na ng lalaki ang dila nito sa takot habang nakatingin sa kanya.

Kinapitan siya ni Check. "Bitawan mo na. Ano ka ba? Hindi naman sinasadya no'ng tao, eh."

Imbes na bumitaw ay humigpit pa ang hawak ni Bright doon sa lalaki. "Titignan mo ang dinadaanan mo, ha?! Kapag naulit pa 'to, pahahalikin kita sa lupa!"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon