CHAPTER: 7 (Battle Of Rights)

180K 6K 1.2K
                                    

"YOU only have 5 minutes to tell us your problem or concern

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"YOU only have 5 minutes to tell us your problem or concern."

Naglakad si Bright papunta sa harapan ng office desk pagkatapos ay maangas na umupo doon. Dinakma nito ang kanyang rubik's cube na nakapatong sa gilid nung desk na inuupuan at saka nilaro iyon.

"I don't wanna waste my time for someone like you," sabi ni Bright habang pinaiikot-ikot yung rubik's sa kamay.

Tuluyan ng pumasok sina Gavin at Bogz pero ang mga mata nila ay nakatuon pa rin kay Check. Naupo si Gavin sa tabi ni Jam at pinili naman ni Bogz na tumayo na lang.

Nilapitan ni Xyro si Check at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Check ano ba? I'm asking you. What are you doing here? Hindi ka dapat nandito."

Iniangat ni Check ang kanyang mga mata para tignan si Xyro. "Kuya, ano ba 'to? Sino sila? Bakit kasama mo sila?" naguguluhang tanong niya.

"Pwede ba, yung tanong ko muna ang sagutin mo? You're not supposed to be here!"

Tinignan ni Bright ang suot na relo pagkatapos ay binitawan nito yung rubik's cube. Mula sa bulsa ay naglabas ito ng chewing gum, binalatan nito iyon at saka isinubo.

"Masyado mo ng inaaksaya ang oras ko," sabi ni Bright na ngumunguya kasabay ng pagtingin ulit sa suot relo.

"Check," mahinang sambit ni Xyro. "Ano ba ang ginawa mo sa kanila?"

"Wala naman akong ginagawa sa mga 'yan, Kuya!"

"Tsk...tsk... tsk." Ikinakaway-kaway ni Jam ang kanang hintuturo nito. "Sinungaling."

"Ano? Ako? Sinungaling?!" inis na sigaw ni Check.

"Hindi ko pa nakakalimutan na muntik na akong mabalian ng tadyang nang dahil sa babaeng 'yan," biglang sabi ng nakapikit na si Gavin habang may nakapasak na earphones sa tenga.

"Iwas na iwas akong patamaan ang gwapong mukhang 'to tuwing mapapalaban ako, tapos ikaw..." nakaturo si Jam kay Check. "Aish! You kicked me straight to my nose!"

 "Aish! You kicked me straight to my nose!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon