CHAPTER: 50 (Yohan, The Smart One)

149K 5.5K 1K
                                    

"DADDY!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DADDY!"

Hindi pa rin mahinto ang pagtangis ng noon ay sampung taong gulang pa lang na si Yohan habang tinatabunan na ng lupa ang kabaong ni Gen. Thompson. Mas malakas pa ang kanyang pag-iyak kaysa sa legal na anak ng kanyang yumaong ama na si Bright na makikitang tahimik lang na lumuluha sa isang tabi.

Panay ang punas ni Yohan sa dumadaloy niyang luha pero tila hindi naman napapagod ang kanyang mga mata sa paglabas ng ipapalit doon.

"Dad!" humihikbi niyang sambit.

"Itigil mo na ang pagngawa mo diyan. Hindi na babalik si Thompson," anang si Brenda sa kanya sabay punas din ng luhang dumaloy sa pisngi nito.

"Auntie! Please, huwag po muna tayong umalis," ani Yohan habang lumalapit kay Brenda. "Dito po muna tayo. Please."

Ni minsan ay hindi pumayag si Brenda na magpatawag ng Mommy sa kanya. Nakakalungkot man ay tinanggap na rin niya iyon dahil alam niyang hindi siya talaga kayang tanggapin nito bilang isang anak.

Itinaas ni Brenda ang kamay nito bilang senyas para pigilan siya sa kanyang paglapit dito. Tinapunan pa siya nito ng masamang tingin.

Mayamaya lang ay nag-alisan na ang mga tao. Sa huling sandali ay nag-abot ng pakikiramay ang mga ito. Tanging ang natira nalamang ay ang mga private securities ng pamilya Villareal, si Brenda, Bright at siya.

"Ano?! Gusto mo bang sumama sa hukay, ha? Umiiyak ka ngayon dahil wala ka ng karamay?!" Namumula ang mukha ni Brenda. Muling tumulo ang luha sa mga mata nito. "Buong buhay mong pagsisisihan na ipinanganak ka! Tandaan mo 'yan!"

Tumalikod na si Brenda. Lalong nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa mata. Tiningnan niya si Bright at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.

"Kuya—"

"Stop crying. Wala sa itinuro ni Dad ang maging mahina," malamig na sabi ni Bright sa kanya.

"Kuya, wala na si Daddy." Nanginginig na ang labi ni Yohan sa pag-iyak.

"Matuto ka. Wala ng sasalo sa'yo mula ngayon," seryosong sabi nito sa kanya. "Ako man...hindi kita gusto."

Pumikit-pikit si Yohan. Alam niyang mas lalo na siyang mahihirapan na makisama sa mga naiwang tao sa Mansion; kay Brenda at kay Bright.

Isinara na ng tuluyan ni Yohan ang librong binabasa niya kanina dahil lumilipad naman ang kanyang isipan. Dinampot niya ang nakalapag sa study table niya na plastic tulips na galing kay Bright. Nakangiting inikot-ikot niya iyon.

"It's been eleven years since we live together, Kuya. Mula umpisa hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo mo sa akin." Bumuntong hininga siya. "Napakalamig mo sa akin."

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon