CHAPTER: 63 (No Mercy)

139K 4.9K 758
                                    

"BAKIT ko sila susundin? Bakit ipagpapabukas ko pa kung puwede namang ngayon na?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BAKIT ko sila susundin? Bakit ipagpapabukas ko pa kung puwede namang ngayon na?!"

Tumalsik at nabasag ang isang mahabang vase nang tabigin iyon ni Bright. Nagtinginan ang PRIME at nagtanungan kung ano nga ba ang tama nilang gawin.

"Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Check!"

Kalalahad lang niya sa kanyang mga kaibigan kung ano ang nangyari kay Check at Xyro maging ang naging pag-uusap nila ni Zeth.

Sumuntok sa dingding si Bright pagkatapos ay idinikit niya ang kanyang noo doon. Humarap siya sa mga kaibigan nang bagsak ang kanyang mga balikat.

"They want me...kapalit ni Xyro at ni Check." Pinilit pakalmahin ni Bright ang kanyang sarili. "They will kill them both kapag nagsama ako ng mga pulis o kahit na sino. What I'm trying to say here is...don't you ever try to follow me!"

"Hell no! We have to do something!" anang si Jaxx.

Nilapitan ni Bright si Jaxx at hinila niya ang kuwelyuhan nito. "Ang sabi ko huwag na kayong makialam—"

"They will kill you!" sigaw ni Yohan.

Binitawan ni Bright si Jaxx at nilingon niya si Yohan. Mapait siyang ngumiti. "I know," mariin niyang sinabi.

"Kuya, please!" Bakas sa mukha ni Yohan ang labis na pag-aalala.

"We're in," maiksing sambit ni Gavin.

"Oo nga! Tutulong kami," seryosong sabi ng laging nakatawang si Bogz.

"Hindi puwedeng lumakad ka ng mag-isa. Ang laban ng isa, laban ng lahat," seryosong sabi ni Jam. "We can't just stand here!" biglang lumakas ang boses nito.

"Enough!" malakas na sigaw ni Bright. "Wala sabing susunod sa inyo!"

Humakbang si Jaxx. "Pero, Bright—"

"Sundin niyo na lang ako!" Inisa-isa niyang tingnan ang mga kaibigan. "Kailangan ako ni Check, kailangan ako ng kaibigan nating si Xyro," mahina niyang dagdag.

"Kuya, kailangan mo kami," ani Yohan. Sumara ang magkabila nitong palad sa tagiliran. "Walang kailangang mawala. Tingin ko, hindi naman sila susunod sa usapan. There's a big possibility na hindi rin nila hahayaang makaalis sina Check at Xyro ng buhay. Kaya please, Kuya...huwag mong ibigay ng basta na lang ang sarili mo sa kanila."

Yumuko si Bright at iginilid niya ang kanyang mga mata. Naisip na rin naman niya ang tungkol doon at sa maaaring mangyari pero dahil sa labis na pag-aalala ay hindi na rin talaga siya makapag-isip ng maayos.

Inangat ni Bright ang kanyang mukha at saka tumango. "Okay, let's make a plan."

Nagtinginan ang PRIME at saka naghampasan ng mga balikat. Hindi ito ang oras para sa paglalaro o biruan kung kaya't bakas ngayon sa mga mukha nila ang kaseryosohan.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon