CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)

181K 5.7K 1.8K
                                    

DALAWANG araw ding hindi pinapasok si Check sa Prime University kahit pa hindi naman ganoon kagrabe ang naging sugat sa likod ng kanyang ulo na ang may kagagawan ay ang grupo ni Wendy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DALAWANG araw ding hindi pinapasok si Check sa Prime University kahit pa hindi naman ganoon kagrabe ang naging sugat sa likod ng kanyang ulo na ang may kagagawan ay ang grupo ni Wendy.

Nasa bukana na si Check ng pintuan ng kanilang classroom nang mapansin niya na natanggal ang tali ng kanyang sapatos. Yumuko siya para isintas iyon at pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang kanyang pagpasok sa loob.

Napansin ni Check na nginingitian siya ng kanyang mga classmates. Ang iba sa mga iyon ay binabati pa siya at kinakamusta ang kanyang lagay.

(NP: Miss Right)

"Good morning, Princess."

"Good morning din," nakangiting sambit ni Check kahit na nagtaka siya sa itinawag sa kanya.

Anyare? May anghel ba sa classroom namin ngayon?

Napakunot ang noo ni Check nang mapansin niya na bakante pa rin ang mga upuan ng grupo ni Wendy. Ni isa man sa mga ito ay wala pa sa kani-kanilang upuan samantalang ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang klase.

"How are you today? PRIME's Princess?" bungad ni Hendrix kay Check.

PRIME's Princess? Hindi agad nakaupo si Check sa kanyang upuan dahil napa-isip siya sa sinabi ni Hendrix sa kanya.

PRIME's Princess? Hindi agad nakaupo si Check sa kanyang upuan dahil napa-isip siya sa sinabi ni Hendrix sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong PRIME's Princess? Ano bang nangyayari dito?" nagtatakang tanong ni Check.

"Don't tell me, wala kang alam?" anang si Hendrix.

"What I tell you?"

"Wala ka bang alam?" ulit na tanong ni Hendrix.

Naupo na si Check sa kanyang upuan at saka humarap kay Hendrix. "Alam na alin?"

"So, wala nga?"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon