CHAPTER: 51 (Interrogation)

152K 6.2K 757
                                    

ARAW ng lunes, katatapos lang ng flag ceremony

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARAW ng lunes, katatapos lang ng flag ceremony. Usap-usapan pa rin ang kawalan ng pasok ng isang Linggo. Hindi na binuksan ang usapin na iyon kanina sa ceremony kaya ang iba ay nagbahagi ng kani-kanilang ispekulasyon tungkol sa kung ano nga ba ang nangyari.

"Sabi nila may mga nagwasak daw ng gate. Kaya siguro nabago ang design."

"Sino naman kaya 'yon?"

"Nakakatakot naman. May mga nasaktan daw na guards, eh."

"Well, the gate is much better now. Grabe girls, ang ganda kaya! Kaya kung sino man 'yong mga nagwasak na 'yon, thanks to them."

Siniko ng isang babae ang kaklase nito na huling nagsalita. "Hey! Aren't you scared? Natuwa ka pa talaga. Ni hindi nga natin alam ang dahilan kung bakit winasak 'yong gate ng school, eh."

"Maiba tayo girls. Alam niyo ba, nakita ko 'yong leader ng PRIME na si Bright at saka 'yong PRIME's Princess no'ng nakaraan. Nakasabay ko sila sa bus. Hay! Nakakainggit talaga 'yong girl. Ano kayang nakita ni Bright sa kanya? Hindi naman kagandahan eh, tapos ang payat pa."

"There's nothing to worry about. Talagang napagdesisyonan ng school at ng PRIME na ibahin ang gate."

Sabay-sabay na naglingunan ang apat na estudyanteng babae sa nakisingit sa usapan. Nakita ng mga ito ang nakangiting mukha ni Xyro.

"Magbe-bell na in 15 minutes." Nakatingin si Xyro sa suot na relo. "You should all go now. Pumasok na kayo sa classrooms n'yo."

Mula sa likod ni Xyro ay lumabas ang nakasunod na si Check. "Bakit ba sa school na 'to ang daming mga chismosa? Alam niyo ba na ayaw ng boyfriend ko na pinagchi-chismis-an siya? At mas lalong ayaw niya na sinisiraan ng iba ang girlfriend niya?"

"SORRY!" sabay-sabay na sabi ng apat na estudyanteng babae.

Nagtakbuhan na ang apat na babae. Agad na nag-akyatan ang mga ito ng hagdan. Nakita niyang nilinga siya ni Xyro at saka ito ngumisi.

"Ano ba'ng nginingisi-ngisi mo diyan, Kuya? Tsk! Hindi mo man lang ako ipinagtanggol. You don't hearing she say? I'm not beautiful?" Nakataas ang isang kilay ng inis na si Check.

Hinawakan siya ni Xyro sa mukha at sinipat-sipat iyon. "Medyo malakas ang ebidensya, eh."

Asar na inalis niya ang dalawang kamay nito na nasa kanyang magkabilang pisngi. "Kung panget ako, edi panget ka rin! Magkapatid tayo, eh."

Inayos ni Xyro ang suot nitong shades at saka namaywang. "Ampon ka."

Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Nakatitig lang siya kay Xyro. Mayamaya lang ay unti-unting lumabas ang ngisi sa mukha nito.

"Joke lang." Inakbayan siya nito. "Maganda ka naman, eh. Itanong mo pa kay Bright."

Siniko ni Check si Xyro. "Ewan ko sa'yo, Kuya!"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon