CHAPTER: 21 (Questions In Her Mind)

171K 5.5K 939
                                    

DUMILAT si Check at mabilis na bumangon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DUMILAT si Check at mabilis na bumangon. Naigilid niya ang kanyang mga mata habang nag-iisip kung paano siya nakarating sa kanyang kuwarto. Ang huling naaalala niya ay magkatabi silang nakaupo ni Yohan kagabi sa ilalim ng puno at nakatulog ito ng nakahilig ang ulo sa kanyang balikat.

"Nakatulog din ako?" Kinagat ni Check ang ibaba niyang labi. "Paano ako nakarating sa kuwarto ko?"

Biglang pinamulahan ng mukha si Check matapos niyang maisip na maaaring binuhat siya ni Yohan para dalhin sa kanyang kuwarto.

Napalunok si Check. Pero wala akong naramdaman na may bumuhat sa akin.

"Hay!" Ginulo pang lalo ni Check ang magulo niyang buhok.

Inalis ni Check ang kanyang kumot at bumaba na sa kanyang kama. Hihikab-hikab na pumasok siya ng banyo para magsipilyo at dumiretso na ng ligo bilang paghahanda sa pagpasok sa school.

Habang nakaharap sa salamin at nagsisipilyo ay sinariwa ni Check sa kanyang isipan ang masayang gabi niya kasama si Yohan sa ilalim ng puno.

Teka, pagkakataon na pala 'yon! Hindi ko pa siya napapasalamatan ng personal sa pagkakaligtas niya sa akin noon.

Matapos maligo at makapagbihis ay nagmadali na si Check para bumaba. May narinig siya agad na boses ng mga lalaking nag-uusap sa may sala. Gusto niya sanang dumiretso doon pero dahil may naaamoy siyang niluluto sa ikalawa nilang kusina ay doon na lang siya nagpunta. Nadatnan niyang abala sa pagluluto ng almusal si Xyro.

"Oh, papasok ka na? Kumain ka muna," ani Xyro habang nakatalikod. "Mabilis lang 'to."

"Hindi pa nga ako nagsasalita Kuya, alam mo na agad."

"Kabisado ko na ang yabag mo."

"Edi wow!" ani Check sabay lapit kay Xyro para silipin ang niluluto nito.

"Edi wow!" ani Check sabay lapit kay Xyro para silipin ang niluluto nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Call them. Sabihin mo sabay-sabay na tayong kumain," utos ni Xyro.

"Hay! Pati almusal dito rin," bulong ni Check sabay talikod para sundin ang inuutos ng nakatatandang kapatid.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon