CHAPTER: 25 (Like Or Love)

154K 5.4K 669
                                    

UMUULAN pa rin kaya sa labas?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

UMUULAN pa rin kaya sa labas?

Bumuntong-hininga si Check. Isinandal niya ang kanyang likod sa inuupuan niyang sofa. "Hindi pa ba kami uuwi ni Kuya?" Tinignan niya ang malaking orasan na nakadikit sa dingding. "Alas-dos na ng hapon. Gusto ko ng maligo."

Tumayo si Check para puntahan ang PRIME na abala kanina sa panonood ng tv. Napakunot ang noo niya nang makita niya na wala na doon ang magkakaibigan.

Nilinga ni Check ang paligid. Saang sulok naman kaya nagpunta ang mga surot na 'yon?

Nagpunta si Check sa dinning area pero wala pa ring bakas ng PRIME siyang nakita doon. Maging sa kuwarto na nasa itaas ay wala ang mga ito.

Bubuksan na sana ni Check ang kuwarto na mistulang opisina ni Bright na kanyang pinasok kagabi nang may kamay na pumigil sa kanya sa pagpihit ng seradura nung pinto. Agad niyang nilinga ang kanyang likuran.

"I told you not to enter this room."

Napalunok si Check nang makita niya ang masungit na mukha ni Bright. Napansin niya na basa ang buhok nito maging ang suot nitong damit. Bumitaw siya sa doorknob at binitawan na rin siya nito.

"Hinahanap ko lang naman kayo, bigla kasi kayong nawala," paliwanag ni Check.

"They are outside," mahinang sambit ni Bright.

"Outside?" ulit ni Check na nakataas ang dalawang kilay. "Tumigil na ba ang ulan?"

"Naliligo sila sa ulan."

Biglang tumili ng malakas si Check at nagtatalon sa tuwa. Tinakpan ni Bright ang tenga nito dahil pakiramdam nito ay mababasag ang eardrums nito kapag hindi nito ginawa iyon.

"Ako rin gusto kong lumabas!" mababakas ang excitement ni Check sa kanyang mukha.

"Bakit? May pamalit ka ba, Pakrung?" Humalukipkip si Bright at saka tinignan ang suot na damit ni Check.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Check kasabay ng pagbagsak ng kanyang balikat. "Wala, eh."

"Tsk! Tsk! Sorry ka na lang," nakataas ang dalawang kilay na sabi Bright.

Sinundan ni Check si Bright hanggang doon sa bukanang daanan ng PHQ. Iniharang nito ang sarili sa digital security lock para hindi niya makita ang pagpindot nito ng passcode.

"Gusto ko ding maligo sa ulan," may lungkot na sabi ni Check.

"Edi maligo ka," anang nakatalikod na si Bright.

Ngumisi si Check. Tinabig niya si Bright at nauna pa siyang lumabas. Hinawi ni Bright ang nakaharang na halaman, nakita nito na nagtatatalon na siya sa ulan.

Stupid in a cute way.

"Just like now," sambit ni Bright habang nakatingin kay Check na tuwang-tuwa sa ulan.


















MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now