CHAPTER: 12 (Krung-Krung)

178K 5.8K 768
                                    

"NANDITO ang PRIME!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"NANDITO ang PRIME!"

Naglingunan ang mga kaklase ni Check sa nakabukas na pintuan ng kanilang classroom nang marinig nila ang isinigaw ng isang estudyanteng lalaki mula sa labas. Napakunot ang noo niya nang magtayuan ang 5 kaklase niyang babae at basta na lamang nanakbong bigla palabas ng classroom.

"Girls, where are you going?" pahabol na tanong ni Professor Perez sabay labas din ng pintuan para tignan kung saan pupunta yung limang babaeng estudyante.

Luh! Ang haharot! Narinig lang na nasa labas ang PRIME, bigla na lang nagsilabasan. Itinigil ni Check ang pagkopya ng kanilang aralin na nasa pisara.

Nagulat si Check nang biglang bumungad sa may pintuan ang kuya niyang si Xyro, kasunod nito si Yohan at ang iba pang myembro ng PRIME. Nagsalubong agad ang kanyang mga kilay.

Pigil ang kilig ng ilang mga estudyanteng babae habang nakatingin sa PRIME. Ang mga estudyanteng lalaki naman ay tahimik lang at nagsi-ayos ng upo.

Nilinga ni Xyro si Check pagkatapos ay hinarap nito si Professor Perez. Isiniksik ni Check ang kanyang sarili sa kanyang arm chair para masilip niya si Xyro, nakaharang kasi ang ulo ng classmate niya na nasa harapan.

Napansin ni Check ang pagtango-tango ni Xyro habang kausap ang kanilang Professor. Muli siyang nilinga nito pagkatapos ay agad ring lumabas ng kanilang classroom.

Nakita ni Check ang pagngiti sa kanya ni Yohan bago ito sumunod sa grupo. Taliwas iyon sa ekspresyon ng mukha ni Bright nang makita niya ang matalim na tingin nito sa kanya habang nahuhuli ito ng lakad.

Gangster! Kung hindi lang oras ng klase ko ngayon lumundag na ako sa harapan mo, tapos dudukitin ko 'yang mga mata mo.

"Ms.Libramonte," tawag ni Professor Perez.

Halos tumagilid ang arm chair ni Check sa pagkagulat niya dahil ang bigat ng katawan niya ay nasa bandang kanan ng upuan. Nilinga niya ang tumawag sa kanya na si Professor Perez.

"Sir?" tugon ni Check sabay ayos ng upo.

"You have to go to the Student Council."

"S-Student Council, Sir?" pagkukumpirma ni Check.

"Yes," sagot ni Professor Perez. "Go there now. PRIME wants to talk to you."

Nagtinginan kay Check ang kanyang mga classmate. Nagsimula na namang magbulungan ang mga ito habang ang mga mata ay nakasentro sa kanya.

Tumayo na si Check sa pagkakaupo niya sa kanyang arm chair. Nanaman? Bwiset talaga ang PRIME na 'yan! Ano pa bang gusto nilang mangyari?

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon