CHAPTER: 62 (I Need You)

142K 4.7K 675
                                    

IBINALYA ni Hendrix si Klent sa dingding ng kanyang kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IBINALYA ni Hendrix si Klent sa dingding ng kanyang kuwarto. Hindi agad ito nakadiretso ng tayo dahil tiniinan niya ito sa dibdib gamit ang braso at siko niya para manatili ito at hindi makaalis.

"Hey! What is your probem?!" pasigaw na tanong ni Klent.

"T*ngina mo!" hindi na napigil ni Hendrix ang lumabas na mura sa kanyang bibig. "Walanghiya ka! Hayop!"

Nagsalubong agad ang mga kilay ni Klent. "What the... Ano'ng problema mo sa akin, Hen?!"

Bumuwelo si Klent para maitulak palayo si Hendrix. Nang maitulak naman siya nito ay agad siyang lumapit pabalik para suntukin ito. Lalo nito iyong ikinagulat.

Dahil sa pagkapikon ay siya naman ang ibinalya ni Klent sa dingding. Nanliit ang mga mata nito nang makita nito ang galit sa kanyang mga mata.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Hen-Hen?!" malakas na tanong ni Klent.

"How could you? Ano'ng naging kasalanan sa'yo ni Kuya?! Bakit mo 'yon ginawa sa kanya?!"

Natigilan si Klent sa narinig. Mayamaya lang ay tumawa ito ng malakas. Dumungaw ito sa bintana at bigla namang naging seryoso ang mukha.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo dyan?" tanong ni Klent habang ang mga mata ay nakatanaw sa malayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo dyan?" tanong ni Klent habang ang mga mata ay nakatanaw sa malayo.

"Pinsan kita! Paano mo nagawa 'yon kay Kuya?!"

Inilinga lang ni Klent ang ulo nito sa likuran. "Ano'ng ginawa ko?"

"Ikaw ang totoong may kasalanan ng lahat! Bakit Klent?! Bakit mo 'yon ginawa? Bakit ka nagsinungaling?!" Namumula na ang mukha ni Hendrix sa galit. "Answer me!"

Lalong nakaramdam ng galit si Hendrix nang humarap si Klent at makita niya ang ngisi sa mukha nito. Humalukipkip ito habang nakasandal sa bintana.

"Tss! Ano'ng kalokohan 'yang sinasabi mo?" Humawak si Klent sa suot nitong kuwintas. "Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo!"

Sumugod si Hendrix. Susuntukin niya sana si Klent pero mabilis itong nakaiwas. Hinawakan siya nito sa magkabilang siko para pigilan pero lumaban siya ng pagpiglas.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon